"Yes!"
Para akong batang nagtatatalon sa tuwa ngayong hindi pa rin ako makamove on sa naging takbo ng usapan namin ni Cia. Pumayag siya sa alok ko kaya naman heto ako ngayon at hindi maipinta ang tuwa. Hindi ako makapaniwala na sulit na sulit ang ilang araw kong paghihintay sa reply niya. Napaupo ako sa sofa habang nakapaskil pa rin sa labi ang ngiti. Ilang segundo ko pang tiningnan ang cellphone ko at saka ang pangalan at username niya sa screen ng aking cellphone bago ako muling napa-yes.
"Aray!"
Agad akong napakagat sa labi ko at napatingin sa kamay na sumampal sa batok ko. Natigil nang bahagya ang pagkatuwa ko lalo na't nakangiwi na para bang naiinis sa akin si Esmeralda. Namumungay pa ang mata na animo ba ay lasing na lasing pa rin.
"What do you want? C.R?"
Napailing ako at bumuntong-hininga sandali nang tumango si Esmeralda. Kinalma ko lang ang sarili ko saka inalalayan na siyang tumayo at maglakad patungo sa comfort room. Mabuti nga at kahit papaano ay marunong pang magpigil si Esmeralda kaya naman noong makarating lang kami sa loob siya sumuka. Hindi siya nagkalat sa labas.
"Ayan, ayan, sige inom pa."
Wala naman akong nagawa kung hindi ang bantayan at maging alalay ni Esmeralda habang isinasantabi ang tuwa sa isip ko lalo na at namumugto na ang mata niya habang halos yakap-yakapin na ang bowl. She has been silently crying for minutes now and I can't help but to feel mad. Dala na rin siguro ng pagkalasing ko rin ay hindi ko talaga maiwasang magalit sa mga desisyon niya sa buhay.
"What did he say? Anong balak niyang gawin?"
Esmeralda just gave me a weak smile. I heaved a deep sigh after that. I just can't get disappointed with this strong woman crying in front of me.
"If he is about to get married next month, bakit pa siya nakipagsex sa'yo ulit tapos tinitolerate mo pa ang pagloloko niya? Esmeralda naman."
"He said he wants us back."
"Mahal niya ba?"
"Ako? Siguro. 'Yong papakasalan niya, siyempre. Susuotan niya ba ng singsing 'yon kung hindi niya mahal?" She pouted and is about to cry again when I urged her to stop and get up.
Muli ko siyang inalalayan pabalik sa sofa at doon siya naupo. Medyo nawawala na ang kalasingan niya dahil sa ilang pagsuka niyang nagawa. Ngayon ay nakaupo siya't yakap-yakap ang kaniyang magkabilang tuhod. Nakatingin din lamang sa harapan niya. Ako naman ay naiiling habang tinitingnan ang hitsura niya.
Ang ganda-ganda tapos tanga sa lalaki. Tss.
"I tried hard not to get tempted but it is no use." she finally spoke. "Siguro nga ay mahal ko pa siya. Or even better, hindi nawala 'yong pagmamahal. Wala namang mali roon, 'di ba?"
Hindi ko siya sinagot bagkus ay pinanatili na lang ang pananahimik. Leo is her disease but her doctor too. It has been too many long years pero siya pa rin ang nasa puso ni Esmeralda. Hindi man niya sabihin, ramdam ko't alam ko. Si Leo at si Leo lang. Hindi ko tuloy maiwasang mainggit kung minsan. It's like I like him away from her, but I like him with her, too. Mahirap. Komplikadong ipaliwanag dahil para siyang drugs ni Esmeralda. I don't like that he is here because Esmeralda is going to be miserable, but I also like that he is with her because Esmeralda is the happiest. Kahit ako nahihirapan. Kahit alam ko kung alin ang pinakarasyonal na dapat gawing desisyon, minsan ay naiisip ko pa rin talaga 'yong mali dahil doon mas sasaya ang isa sa pinakaimportanteng babae sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Wreck Me, Cia Clemente
Romance"We can satisfy ourselves tonight, but I cannot entertain you courting me, Lucas." ©️ 2022