Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
One week have passed and all those days, sobrang saya rin ng puso ko. I am so full I cannot even imagine and explain this type of feeling. Mabuti na nga lamang ay ng linggong ito ay dalawang araw lamang akong may trabaho. I had more chances of bonding with Esmeralda and Haze. Ako na rin ang madalas na maghatid sa kanila sa umaga dahil sa gabi ay hindi pwede dahil ako ang tagaluto nila. And since today is Friday, nag-iisa na naman ako sa bahay ngayon. It's still too early and I will be bored as hell waiting for them, so I tried to get as busy as possible. Nagtrim ako ng mga tanim, nagdilig, naglinis at kung ano-ano pa just to make myself occupied pero parang napakatagal ng oras. Alas diyes pa lang ng umaga. Napakunot naman ang noo ko nang biglang may nagdoorbell. Wala akong inaasahang kung sinong darating pero tiningnan ko na lang din. To my surprise, it is Esmeralda na agad kong pinagbuksan ng gate.
"Mahal pahingi pera pambayad sa taxi!" I heard her say.
"Okay wait."
Mabilis akong sumunod sa kaniya at bumalik sa bahay kahit na nga hindi ko pa alam kung bakit nandito siya at sa taxi nakasakay ganoong may pasok siya at dala niya ang kotse niya sa trabaho. Isa pa ay hindi niya kasama si Haze pero alam ko namang hindi niya iiwan ang kapatid ko basta-basta. It only took me more than a minute to get my wallet and go outside.
"198, mahal." she smiled habang humihingi ng pera sa akin. "Sorry wala pa akong perang dala kung hindi cellphone lang. Naiwan ko pala kay Haze iyong bag ko."
Tumango-tango na lang ako saka binigyan siya ng pera na agad niyang ibinayad sa taxi. Pagkatapos noon ay mabilis siyang bumaling sa akin.
"Mahal, hatid mo ako pabalik."
"Ha? Baliw ka ba e kakarating mo lang. Anong trip mo?"
"May naiwan akong papel pero hindi mo alam kung saan ko siniksik 'yon at mahihirapan akong mag-explain sa'yo kaya pinuntahan ko na siya rito. Ayaw ko magkotse dahil hindi ko trip. Nasa office si Haze at safe siya roon kaya please, ilabas mo na ang kotse mo. Aakyat lang ako saglit sa bahay tapos hahanapin ko 'yong papel then aalis na tayo. Okay?" she gave me a kiss after her explanation that automatically made me weak.
"Okay. Sige. Let's go."
Sabay kaming pumasok sa bahay. Siya ay nagdiretso sa taas at ako naman ay sa kwarto ko para magpalit ng T-shirt at kunin ang susi at wallet ko. Nauna na rin akong lumabas to start the car. Inilabas ko na rin iyon para lalakad na agad kami ni Esmeralda pagdating niya rito sa labas. Apparently, medyo natatagalan siya. It has been three minutes since I got outside with my car pero hindi pa siya bumababa. Baka hindi niya talaga makita ang hinahanap niya. I am patient. Hindi naman ako nagrereklamo. I am just excited to give her a ride. After another minute, biglang may kumatok sa bintana ng kotse. Excited na excited ako ngunit agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita kong hindi iyon si Esmeralda ngunit ang nakangiting mukha ni Cia with her usual attire. Sobra iyong kaba ko nang makita siya lalo na't kumakaway-kaway pa siya at sinisenyasan akong ibaba ang bintana.