Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
One week has passed. Lunes na naman at kakabalik ko lang mula sa layover ko sa Canada. It was a smooth flight, to be honest. Cargo flight ang papabalik ko rito sa Pilipinas. And now that I don't have any more flights 'til next week, I am stuck with Esmeralda and Haze again. Nagkukulitan sila ngayon dito sa sala habang kumakain ng ice cream. Ako naman ay nagpapahinga lang sa kabilang sofa at hinahayaan sila.
"Kuya, tumawag nga pala si Mama kanina. Kailan daw tayo pala uuwi para makapagpa-book na siya ng sasakyan kasi hindi puwede ang commute pala kasi mahal na araw. Mahirap daw makipagsiksikan." si Haze mayamaya na nakatingin pa sa akin. "Saka kung sasama raw si Ate? Papakilala niya raw sa mga mare niya, e."
"Why would she do that?" agad kong tanong. "E 'di ba kilala na nila si Esmeralda?"
"I don't know." she shrugged. "So, kailan nga?"
"Ako na ang tatawag kay Mama bukas. Huwag mo nang isipin 'yon. What the two of you should do is finish eating so you two can sleep early. May pasok na naman kayo bukas."
Sabay na umismid sa akin ang dalawa nang sabihin kong matulog na sila matapos nilang kumain ng ice cream. Parehong-pareho pa talaga sila ng pagkakasimangot sa ngayon at sabay na sumubo ng ice cream. Ewan ko lang sa dalawang ito kung hindi sila maumay dahil tig-isa sila ng maliit na tub. Both are in vanilla flavor.
"E ikaw kaya kuya matulog ka na. Mukha mo parang bangkay, e. Baka kailangan mo."
"Haze!" si Esmeralda na natatawa pa. "Huwag naman ganoon. I mean, totoo naman pero be gentle on saying that. Ganito oh. Kuya, sleep ka na para hindi ka magmukhang bangkay."
"Don't call me kuya." sambit ko. I don't know but that did not sit right in my system. Something is wrong about it that I cannot pinpoint. The way she said kuya sounds so sexual to me suddenly. "That's weird, Esmeralda. Don't call me kuya again."
"Hmm?" nangungot noo pa niyang tanong. "Why? Ang weirdo mo. Para kang galit. Tinawag lang na kuya eh. Huwag ka na magalit, kuy-"
"Esmeralda, stop. Please."
I sighed. Esmeralda stopped eating and is just looking at me all confused. Pati na nga rin si Haze ay nagtataka na sa ngayon.
"Matutulog na ako. Isara n'yo nang maayos ang bahay bago kayo magsitulog."
Iyon lamang at saka nagdiretso na ako sa kwarto ko. Mabilis kong itinapon ang sarili ko sa kama at agad na napatitig sa kisame.
Why am I being so weird?
I sighed once again. Pinilit ko na ring makatulog at sa awa ng Diyos, it was not hard to do so. Parang naipon na naman ang pagod ko sa flight kaya naman hindi ako nahirapan. Nagising naman akong nag-aayos na naman papasok ang dalawa. Maingay na naman at nagkakagulo. When I got to the kitchen, I saw that they already ate. Nagluto rin pala si Esmeralda ng umagahan at hindi ko na kailangan pang mag-aalala roon.