35:

189 4 0
                                    

"Kuya, dito!"

Agad na napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Haze. Nang lingunin ko siya at sumasayaw-sayaw pa ito na para bang tuwang-tuwa. I even chuckled when I noticed that both are wearing the same sunglasses inside the airport and the big banner with "Welcome home, kuya. Yiieeh babawi yarn?" written on it. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako hindi.

They look crazy.

They are getting a lot of attention because of how loud Haze is. Si Esmeralda naman ay natatawa lang at napapailing sa ginagawa ni Haze. She is not even mad or something nor uncomfortable by it. Natutuwa talaga siya sa lahat ng ginagawa ng kapatid ko. Talagang suportado pa.

"Para kang tanga." asik ko kay Haze. "Good evening, Esmeralda."

"Eww. Pangit mo kabonding, kuya. Halatang may pinapaburan ng pagbati ah? Thank you, ah? Hirap na hirap ako sa pagdikit ko sa mga letters dito sa banner tapos ikaw e wala man lang thank you."

"Manahimik ka na. Saan tayo pupunta?"

Haze's face reaction quickly changed. Nagniningning pa ang mata niya sa ngayon. Itinuturo pa ang suot niyang puting casual dress. Nagpapaganda pa sa harapan namin.

"Hello, kuya? Nakadress ako ngayon tapos ang ganda-ganda ni ate. Well, palagi siyang maganda but anyway, syempre sa somewhere expensive. Duh? Tinatanong pa ba iyon?" maarteng sambit ni Haze. Umirap pa nga. "Saka sweldo mo ngayon, 'di ba? Hehehe beke nemen, kuya."

"Wow pati sweldo ko inuunahan mo." natawa ako lalo. "Sige cafe? Alam ko namang magpipicture taking ka lang doon pero sige okay lang."

"Yey!"

Nag-umpisa na kaming umalis ng airport. I had to cancel my free ride settled by the company (a pilot's perk) because Esmeralda brought her car. Iyon ang gagamitin namin sa paggala namin ngayon. Hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi kaya marami pa akong alam na bukas na cafe. Mag-aalas otso pa lamang naman. Sa unahan ko ay naglalakad sina Haze at Esmeralda. Magkahawak pa ang mga kamay. Nang makarating kami sa parking lot ay ako na rin ang nagdrive dahil agad na pumwesto ang dalawa sa likuran. I drove for quite some time before I pulled over where there are a few cars passing by. Nagpalit lang ako sandali ng damit at sapatos bago tuluyan nang nagmaneho. Hindi naman ako nagtataka kung bakit tahimik lang si Esmeralda dahil kausap ko siya kanina sa phone bago pa lang ako bumalik dito sa Maynila. Nagsawa na siguro sa boses ko ang isang ito lalo na't abala silang dalawang magharutan sa likuran.

The drive was only half an hour. This is the first time I am going in this two-storey cafe that is a good spot for a quiet and comfortable spaces with these two. Hindi naman sila nagreklamo. Hindi rin sila nagtataka. They seem to be enjoying lalo na ng sa rooftop kami nagtable. May nakakilala pa saglit na teenager kay Haze at nagpapicture pa saglit. Habang nagpapapicture sa kaniya ang fan kuno niya ay naroroon kami ni Esmeralda at magkaiba ang reaksyon. Ako ay napapakunot na lang ang noo habang sia Esmeralda ay ngingiti-ngiti.

"Oh my God, kuya. Ang mahal ng kape rito." nanlalaki ang mga mata ni Haze nang maupo kami't tumitingin na sa menu. Nakaalis na rin ang nagpapicture sa kaniya kani-kanina lamang. "May halo bang holy water 'yong mainit na tubig nila rito? Saka ano 'tong rolled with babana eme na 'to? Turon lang 'to eh. Pinaganda lang 'yong pangalan. Sprinkled with sugar na kinuha ba sa pusod ng dagat ang nilagay dito?"

Wreck Me, Cia ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon