22:

209 3 0
                                    

"Esmeralda,"

Dismayado ang hitsura ko ngayong pinatay na niya ang tawag at ngiting-ngiti pa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kong reaksyon sa nangyari ngayon-ngayon lamang. Cia and Esmeralda really just looked like the best of friends. She invited her over and now she is on her way. Ayaw pa talang paawat nang turuan niya ng location si Cia kanina.

"Why did you do that?"

"Ha? Alin?" maang-maangan pa siya ngayon.

"Tss. Desisyon ka masyado."

"Hala siya? Baliw e bahay ko naman ang pupuntahan niya."

Oh. That makes sense but still, that is wrong. Ngayon pa lang tuloy ay problemado na ako. Bawat segundong lumilipas ay papalapit na nang papalapit sa amin si Esmeralda. I do not know why my heart is racing now that my brain is thinking of her smile and well, uh, her moans. Siguro ay tinatamaan na ako ngayon. Gusto ko nang pagalitan si Esmeralda dahil sa ginawa niya pero mukha siyang excited kaya naman parang ayaw ko iyong gawin.

"Are you happy?" I hissed at her.

"Oo naman." she laughed. "Saka isa pa, malapit lang naman siya, e. Hindi siya aabutin ng isang oras na biyahe lalo na at magaan na ang traffic nang ganitong oras. Don't worry, be happy. Dadami na naman ang friends mo. Puwede nating gawaan ng kuwento ang buhay mo at ang title ay 'The Journey of Heart Lucas Hidalgo: The Art of Making Friends.' " and then she laughed hard.

Napapakamot na lang ako sa ulo ko. Wala na akong magagawa kung hindi ang tanggapin ang nangyari at maghintay sa ngayon ng pagdating ni Cia. Habang ginagawa namin iyon ay tinigil muna namin ang pag-iinom habang si Esmeralda ay naglilinis nang kaunti sa kwarto niya. Just a quick clean up. She even started cooking at the kitchen. Mukhang excited na excited talaga siya sa hinihintay niya.

Oh God, help me. Esmeralda's love life is enough for me. I can't listen to one more.

Napapadasal ako nang wala sa oras. Just imagining the two of them getting along too damn well and telling each other stories is already making my head hurt. Paniguradong napakaingay nila.

"Uy para ka namang brokenhearted diyan." pang-iinis ni Esmeralda nang mapansin niya akong walang ginagawa kung hindi ang mamroblema. Sumasayaw-sayaw pa ito habang hawak-hawak ang sandok. "Parang hindi naman deep inside eh gusto mong makita si Cia." she laughed.

Napailing na lang ako. Tuwang-tuwa niyang ipinagpatuloy ang pagluluto niya ng pulutan habang ako ay ipinagpatuloy ang pamomroblema. Half an hour has passed. Naririnig kong kausap ni Esmeralda si Cia sa kabilang linya. Sila na ngayon ang magbestfriend. Tuwang-tuwa pa silang nagtuturuan ng daan papunta rito kaya naman alam kong malapit na siya.

"No. Turn left diyan sa may kanto. Si Heart ang magbubukas ng gate para sa'yo kasi nagluluto pa ako. Hindi ko puwedeng iwanan 'to rito baka bardagulin ni Heart 'to, e. Napakababoy pa naman nito."

I heard both laughing. I am totally being ignored right now.

Wreck Me, Cia ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon