31:

182 3 0
                                    

"Dito na iyon?"

Nagtataka ang mukha ni Cia nang bumaba siya mula sa kotse ko. Nangungunot pa nga ang noo niya na para bang hindi maintindihan kung ano ang mangyayari. Umiling na lang naman ako nang marahan.

"Yes. Ito na 'yon."

Mas lalo siyang nagtaka. She really thought that where this linear park is somewhere fancy. Akala niya siguro eh malaking park ang pagja-jogging-an namin ngayong araw. Handang-handa pa naman siyang dumating sa bahay at nakasuot ng ternohang jogging outfit. The fact that she arrived in an hour is really really amazing. Alam ko kasi ay matagal kung magprepera ang mga babae lalo na kapag aalis ng bahay. Ganoong-ganoon si Esmeralda pero mabuti na lamang at madalas ay nasasabihan ko siya nang mas maaga sa mga lakad at hindi siya aayaw. Isa pa ay kung biglaan man ang lakad, she wouldn't mind not doing her make up at all.

"Tangina dapat sa may condo na lang pala tayo nag-jogging. Mas malaki ang park doon at mas presko ang hangin tapos mas tahimik. This is a public - "

"Did I force you to come here?"

"No."

"Good."

Wala na siyang nagawa nang iwanan ko siya at mag-umpisa nang maglakad para makapag-umpisa na ring magjogging. Tamang-tama talaga ang oras ngayon dahil hindi mainit. I even let out a smile when I noticed she is following me. Nakanguso nga lang at halatang hindi natutuwa.

"Sir!"

Napapitlag ako nang may humarang sa daan ko na ngingiti-ngiti pa. I eventually recognized the woman with the loud energy and big smile. Si Ms. Jang. The Takoyaki one.

"Oh. Hello po. Good morning."

"Ay sir kala ko e makakalimutan n'yo na ako, e." she laughed. "Yie, kayo sir talaga ah. Magjojogging po ulit kayo?"

"Oo."

"Bili ka takoyaki sa akin, sir? Kamusta ba pa-freebie ko sa inyo last time? Pwede po pahingi ng customer feedback?" sunod-sunod niyang tanong at ngiting-ngiti talaga ngunit nabawasan iyon nang mapansin niya si Cia sa may gilid ko. I already know what she meant kaya naman nginitian ko na lang siya. Good thing she is also not that shy to ask questions. "Sir, girlfriend n'yo po?"

"Haha hindi. Wala akong girlfriend. Good friend ko iyan at may boyfriend siya." I smiled. "Cia. That's her name."

"Ah…"

Napapatango-tango na lang si Ms. Jang at nginitian lang si Cia. Cia did the same and I already know they are not in the good terms because of the way they are looking at each other. Mukhang hindi nila gusto ang isa't isa unang pagkikita pa lang nila.

"Mabuti naman po, sir. I am sure na maganda ang magiging girlfriend mo. May intuition din ako sir pagkakita ko pa lang sa'yo last time na kilala mo na ang the one mo. Ayaw mo lang aminin."

Wreck Me, Cia ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon