23:

196 3 0
                                    

Napapailing ako habang tinititigan ang dalawa. Cia and Esmeralda are asleep on Esmeralda's bed. Magkayakap na magkayakap pa na daig mo pa ang hindi mapaghiwalay.

It's ten in the morning. Napapailing na lang ako habang inaalala ang nangyari kagabi pati na sa kwartong ito. Napakaingay nila. Muntik pa kaming masita for noise complain nang dahil sa biglaan nilang pagvivideoke ng alas dos ng madaling araw. They both cried in between the shots, the stories they told each other for the hundred times about Pocholo and Leo, and the singing. Hindi ko sila napigilan. Napuyat din ako kakaalalay sa kanila sa pagpunta sa cr para masiguradong hindi sila madudulas o mababagok. Mabuti nga rin at medyo nakaya kong bantayan silang dalawa dahil weirdly enough, they wake up from time to time. Iiyak silang dalawa tapos magkukwentuhang lasing, matutulog, babangon tapos iiyak ulit. Pagod na pagod ako buong magdamag. Mabuti nga at natigil din sila at tuluyang nakatulog noong bandang alas sais na ng umaga. Nagui-guilty tuloy ako kung gigisingin ko ba sila o hihintayin na lang na magising nang kusa. I contemplated for five minutes before I decided not to wake them up. May niluto na kasi akong hangover soup and I think they badly need that. Magluluto na lang ako ng pagkain sa ngayon para kapag nagising sila ay hindi naman sila magutom.

"Who are you with last night, kuya? May bisita ba kayo ni Ate?" si Haze na kumakamot pa sa ulo niya. Kakagising niya lang at agad na nagdiretso rito sa may kusina. That is what she always does. "That's new. Never pa kayong nag-invite dati ah. Sino? Ang ingay n'yo e muntik na akong hindi makatulog."

"Yeah. May bisita kami." sambit ko na lang.

Hindi ko na sinabi sa kaniya kung sino iyon. I am aware and Cia told me too that she hates her. Both hates each other. Ayaw ko namang sirain kakaagad ang umaga ni Haze kapag nalaman niyang si Cia nga ang bisita namin.

Sabay kaming kumain ni Haze ng brunch. Hindi ko siya masyadong kinakausap dahil abala ako sa pagtipa sa cellphone ko habang siya ay ganoon din ang ginagawa. Mukha namang nagustuhan niya ang niluto ko at wala siyang reklamo sa ngayon. Nakita ko lang ang pagtataka sa mata niya nang makita niyang bumaba si Esmeralda kasunod si Cia. Kahit ako ay naguguluhan din. Both are a mess. Halatang kakagising lang at sabog na sabog ang mga buhok. Pipikit-pikit pa na para bang walang pakialam kung nakikita namin silang ganoon ang hitsura. Parehas ding mukhang malala ang hangover nila. Agad na nagdiretso sa hapag ang dalawa. Magkatabi pa nga sa harapan namin. Napalipat pa nga si Haze sa tabi ko dahil hindi sila mapaghiwalay. I just shrugged when Haze looked at me confused. I know she is asking about why Cia is here. Hindi naman siya nagsalita ng pagtutol doon pero mataman niyang tinitingnan ang dalawa. Nakayukod parehas sa mesa at animo ay langong-lango pa sa alak.

"Tubig," si Esmeralda. "Kailangan ko ng tubig."

"Ako rin. Tubig," si Cia.

I quickly gave both a glass of water. Namangha ako ng halos sabay sila sa pagkilos. Sabay sa pag-inom at sabay din sa pagtapos. Matapos iyon ay sabay silang napangalumbaba sa mesa. Nagpapabalik-balik ang mata sa amin ni Haze at ganoon din kami ni Haze sa kanila. Ngingiti-ngiti pa nga sila mayamaya.

What is happening to them? Are they?

"Oh?" si Cia na medyo natatauhan na yata. "That kid?" she chuckled.

"Ah siya pala ang bisita?" hindi makapaniwala si Haze sa napagtanto niya at ngayon ay napapailing na nakatingin sa akin. Animo ba ay si Mama ito kung makapagreact sa nangyayari. "Kaya pala kahit maingay e hindi mo sinasaway. Ah, now I know."

Wreck Me, Cia ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon