05:

403 8 0
                                    

 Naiiling akong sumunod kay Esmeralda sa paglalakad niya. Sandali lang din akong nagpaalam kay Shanaia na medyo lasing na rin saka mabilis na inalalayan si Esmeralda sa pagsakay sa kotse. Hindi na nga ako nakapagpaalam nang maayos kina Rigor dahil sa biglaang pagyaya ng babaeng ito sa pag-uwi.

"Bakit hindi ka muna mag-cr dito?" I asked her while she is getting her seatbelt on. Umiling pa nga ito habang nakapikit.

"Umiikot na ang mundo ko at hindi ko na kayang maglakad. Don't worry dahil hindi na ako natatae. Sumasakit lang talaga tiyan ko. Maybe I'm having my period cramps or whatever. I can feel my vagey bleeding right now. It's already the time of the month so we really need to go home." mahaba niyang sambit na ikinatango ko na lang.

Inayos ko pa rin ang pagkakasuot niya sa seatbealt bago umikot at sumakay na sa kotse at nagmaneho. I kept on looking at her. Mukhang masama talaga ang tama ng isang ito. Her period cramps must be so painful. Palagi ko siyang nakikitang ganito kapag menstruation days niya.

"Are you sure?"

"Yeah. Daan din pala tayo para bumili ng cup noodles."

"Naglilihi ka ba?"

"Tangina nireregla tapos sasabihin mo naglilihi?" she hissed at me. Sa pagkakataong ito ay napamulat na siya at umayos nang pagkakaupo. "Dali na bilisan mo na dahil nasa bahay ang mga pads ko."

"We can go get some sanitary pads naman on the way."

"No. I have my charcoal pads at the house. Clean and green, biodegradable, save mother nature tayo ano ka ba? Para saan pa at Emerald ang pangalan ko kung tagasira ako ng mother earth?" she hissed once again. "Tss. Go green, go green!"

Doon ko naman naalala na hindi nga pala siya gumagamit ng sanitary and disposable napkins. She has lots of those washable pads na sinasabi niyang charcoal based or whatever it is that she calls. Pinakita na niya iyon sa akin dati and it looks like a normal sanitary napkin, but it is washable. Cloth lang siya. I once suggested that she use menstrual cup which is also used by my older sisters. She said na mamamatay daw muna siya bago siya magsaksak ng cup sa pagkababae niya. Kung hindi rin lang daw naman iyon tite ay huwag na lang. She has the point though.

"But are you sure nga na kaya mong makatagal? Baka natatae ka lang talaga Esmerald ah. Tangina ka hindi ako maglilinis ng kotse mo ah-"

"Just drive na kasi. Ah may seven eleven pala akong nakita kanina noong papunta tayo rito. Sa may unang kanto lang. Kain muna tayo cup noodles doon. Gagi kasi nanlalamig na sikmura ko ang dami kong nainom na alak. Shanaia kasi ang gara parang hindi friend kung makatagay nang pagkataas-taas." she started ranting. "Dali na. Tara na, mahal. Tapos pala ano bili na rin tayo ng mga pagkain na pasalubong kay Haze para hindi siya magalit sa atin kasi matagal tayo."

"She has too many food to eat at my house. Kung magcrave man ang isang iyon ay oorder iyon ng mga gusto niya lalo na at may sariling pera ang batang iyon. Maybe right now she's doing social media or so."

Napatango-tango naman siya saka muling pumikit na lang. Kinapa pa ang mukha ko nang hindi maintindihan kaya naman panay ilag na lang ang ginagawa ko. She is even trying to poke my nose with those long nails and is laughing about it.

Wreck Me, Cia ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon