21:

207 4 0
                                    

"Oh? Bakit na naman?" tanong ko kay Esmeralda.

Narito na naman kami sa itaas, sa kaniyang kwarto, at naghahanda na siya ng iinumin namin ngayong gabi. Alas nueve na kasi nang gabi at tamang-tama na ito sa kinagawian naming oras ng pag-iinuman dahil parehas pala kaming walang pasok bukas.

"Problemado ka na naman sa ex mo?" asik ko sa kaniya.

Natigil siya sandali sa ginagawa niya at napanguso.

"Kapag aayain kang uminom problemado agad ako sa ex ko?" asik niya pabalik sa akin ngunit kasabay noon ay ang pagbuntong-hininga. "Pero yes. Apparently yes."

Napailing na lang ako nang sunod-sunod. Sinasabi ko na nga ba. Those eyes earlier were telling me something. Mukhang mahaba-habang usapan na naman ito ngayong gabi.

Pinanood ko na lang siyang mag-ayos ng iinumin namin pati ang mga pulutan. Pabalik-balik siya sa loob ng kwarto niya at para bang hindi mapakali. Natapos naman iyon makalipas ang halos limang minuto lamang at natahan na siya sa ginagawa niya. Walang sabi-sabi rin ay agad na ininom niya ang unang shot. Mas lalo tuloy akong napailing nang ngumiwi ito.

Problemado nga.

"Bubuntong-hinga na lang tayo rito magdamag?" I asked her when it has been more than five minutes since we settled down, took shots, and she is still not telling me what it is.

I am not pressuring her to speak so fast. I know it must be hard lalo na at napakadaldal ng isang ito. Imposibleng wala siyang masabi pero sa mga pagbuntong-hininga niya ako nababahala. She looked at me as if there are too many things that is wrong in here. Muli pa siyang uminom sabay iling.

"How can I move on when he keeps on clinging and making me feel the emotions again, mahal?" she asked with her cracked voice. Umpisa pa lamang ng inuman ay mukhang matagal-tagal na usapan na naman ito at saka maingay na iyakan. "I love him still. Hindi ba at sabi ko ay puputulin ko na hanggang kaya ko pa? Then why? Bakit noong gagawin ko na, hindi ko maatim na ituloy? I saw how happy he is with me. Ayaw kong sirain 'yong mga ngiti niya lalo na at ako ang dahilan noon."

"Esmeralda,"

"We fucked again. This time, his soon to be wife is doubting him. Nag-aaway na sila kaya lalo lang tumatakbo sa akin si Leo."

I sighed. Kahit naman na gusto kong prangkahin nang prangkahin si Esmeralda, I should really try to understand where she is coming from.

"Naku iyak na naman si ate." sabay kaming napalingon nang marinig namin ang boses ni Haze. Umakyat pala siya at may dala-dala pang unan. Kakagad itong dumiretso malapit sa amin kung saan agad na tumunghay sa t.v. Napapailing pa nga ito na para bang dismayado sa amin ni Esmeralda. "Alam mo ba kuya habang wala ka, hetong si Ate parang baliw. Iiyak tapos tatawa. Baliw na ata 'yan, e."

"Hindi kasi," pagtatanggol ni Esmeralda sa sarili niya. "Hindi kasi ganoon. Teka, bakit ba dapat akong magpaliwanag sa'yong bata ka?"

"I don't know. Hindi naman kita pinilit na magpaliwanag, Ate." Haze shrugged.

Wreck Me, Cia ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon