*FLASHBACK*
“Saan ka pupunta?” Tanong ko kay mama habang kumakain.
Nagaayos kasi sya. Napaka-bihira nya lang kasi magayos.
“Meeting my friends.” Tinignan nya ko saglit saka binalik ang tingin sa salamin.
“Alam mo ba kung anong araw ngayon?” Tumigil ako sa pagkain at tinignan sya.
Birthday ko kasi ngayon at nag babaka sakali lang ako na maalala nya 'yun. Matagal ng divorce ang mga magulang ko, 12 years old lang ako nun. Napaka-bata para makaranas at makita ang paghihiwalay ng mga magulang ko.
Nag papa balik-balik ako sa tatlong bahay. 15 years old ako ng mapag-desisyunan kong maging independent. May sarili akong condo.
Sa tuwing dadating ang lunes hanggang miyerkules, pumupunta ako sa bahay ni mama. Sa pagdating naman ng huwebes hanggang sabado, pumupunta ako sa bahay ni papa. Sa linggo naman nasa bahay lang ako at sila ang pupunta sakin, sa condo ko.
Nakaka-pagod diba? Hindi mo alam kung gaano 'yun kahirap kasi hindi ka broken family. Mahirap para sakin 'yun. Naiingit ako sa ibang mga bata. Tinatong ko din minsan 'yung sarili ko.
'Bakit sila buo tapos akin hindi?'
'Bakit sila masaya tapos ako malungkot?'
'Bakit sila hindi na nila kailangan pang mag pabalik-balik sa tatlong bahay tapos ako kailangan ko para lang makasama mga magulang ko?'
'Bakit sila lahat ng atensyon at pagmamahal ng mga magulang nila nasa kanila tapos ako kailangan ko pang manlimos?'
'Bakit sila napagdi-diwang ang mga mahahalagang araw ng magkakasama tapos ako magisa?'
'Bakit sila? Bakit di na lang ako?'
Andaming tanong sa isip ko na hindi ko masagot.
Kinuha nya ang cellphone nya sa bag saka tinignan ang oras. “July 16.” Sagot nya at binalik ang cellphone sa bag.
“Ah—Tama.” Maikling sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain. Ano pa bang inaasahan ko?
Hindi ko namalayan na may gumigilid na mga luha sa mata ko. Yumuko ako at dahan-dahang pinunasan 'yun para di nya mapansin.
“May problema ba?” Takang tanong nya. Umiling lang ako at muling iniangat ang ulo ko.
“Okay. Kailangan ko ng umalis. Magiingat ka. Lalo na't magisa ka lang sa bahay. Wag mong bubuksan 'yung pinto kung di mo kilala okay?” Tumango lang ako. Lumapit sya sakin at hinalikan ang noo ko saka umalis.
Hindi ko sya tinignan dahil akala ko napigilan ko ang luha ko. 'Yun pala kapag sobra kang nasaktan kahit anong pigil mo, tutulo't-tulo 'yan. Wala kang magagawa. Mas mahihirapan ka lang pag-pinigil mo 'yun.
Umiyak ako ng umiyak. Totoo nga ang sabi nila na nasa pamilya mo unang mararamdaman ang pagmamahal pero pano kung di ko 'yun naramdaman sa kanila? Sino magbibigay sakin nun? Ibang tao?
Ang gusto ko lang naman buong pamilya. Ganun ba kahirap 'yun at di kayang maibigay sakin ng mga magulang ko?
Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang sarili. Tatayo na sana ako ng tumunog ang cellphone ko na naka-patong sa lamesa. Kinuha ko 'yun at tinignan, nanggaling ang text sa papa ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/328574380-288-k364010.jpg)
YOU ARE READING
Wake Up As A Villainess
FantasiWhat will you do if you suddenly wake up inside a book. But..... not as the main character but as a villainess or known as the antagonist in the story will you follow the plot or change it. Date started: Dec. 02, 2022 Date finished: Dec. 10, 2022