Chapter 6

326 9 0
                                    

*Continuation of the previous chapter*

“Hello, baby yena. Pasensya kana ha? Mukhang malalate ako ng paguwi. Wag mo na ko hintayin, magpahinga kana dahil alam kong pagod ka. Magiingat ka palagi. Mahal na mahal kita.” Pagbasa ko sa text nya. Akala ko tapos ng bumagsak 'yung luha ko pero hindi pa pala.

Muli akong umiyak dahil sa text nya. See? No one remember my birthday. It hurts.

I feel like my heart is burning inside. I-i can't breathe. It's always like this, every year. Pero bakit di ko magawang masanay? Bakit hanggang ngayon umaasa pa rin ako?

Simula ng naghiwalay sila hindi ko na napagdi-diwang 'yung mga mahahalagang araw ng kasama sila. Ako, ako magisa ang nagdidiwang ng mga 'yun.

Kasama ko man sila minsan sa isang bahay para pa din akong magisa. Halos lahat ng oras nila nasa trabaho. Kailangan ko pang manlimos para bigyan nila ako ng oras.

Pinunasan kong muli at inayos ang sarili ko. Pagod na ko, pagod na kong umiyak. Gusto ko ng magpahinga.

Umakyat ako sa kwarto ko saka hinagis ang sarili ko sa kama. Bumibigat na din ang talukap ng mga mata ko kaya ipinikit ko na 'to at natulog.

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Bumaba na agad ako. As usual magisa na naman ako. Nakapatay ang ilaw kaya binuksan ko at dumiretsong kusina.

Inihanda ko sa hapag ang mga natirang ulam kanina at nagsimula ng kumain. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. Halos ilang oras na lang pala bago matapos ang birthday ko?

Napa-singhal ako at kumaing muli.

Nagulat ako ng agresibong bumukas ang pinto at niluwal nito ang mga magulang ko? Pano—Bakit sila nandito?

Mabilis na tumakbo papalapit sa akin silang dalawa at niyakap ako.

“May problema ba?” Naguguluhang tanong ko at kumalas sa pagkaka-yakap.

“I-im sorry. I'm really sorry, cayena. We make you feel like your alone. We failed as your parents.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni mama.

“Cayena. We're really sorry. Your not alone okay? You have us. We're always here for you. We love you.” Yayakapin sana ako ni papa ng tinulak ko sya. Hindi awa 'yung nararamdaman ko ngayon kundi galit!

I hate this. I hate this feeling.

“Sorry? Really? Magisa ako! Magisa! simula nung maghiwalay kayo! Ang hirap at sobrang nakaka-pagod! Palagi kong tinatanong 'yung sarili ko. Kasalanan ko ba lahat? Dapat ba di ako na buhay? Did you just give birth to me to abandon me? Am I my parents biggest mistake? Do I really deserve to live?” Galit na tanong ko. Mabilis na pumatak ang luha sa mga mata ko.

Hindi sila nakapag-salita at tinitignan lang ako.

“Hindi kayo sasagot? Ano sa tingin nyo kailangan ko ng mga materyal na bagay na binibigay nyo sakin? No! I don't need those! All—All I need is you! All I need is my family! My parents!” Umatras ako sa kanila.

Wake Up As A Villainess Where stories live. Discover now