“AYOKO!” Tinulak nya din ako para makapasok syang muli. Nagtulakan kaming dalawa. Walang mangyayari kung magtutulakan lang kami kaya naisip kong magkunwaring galit.
Tumigil ako sa pagtulak. “Miya!” Malakas na pagtawag ko sa pangalan nya at napa-tigil nama sya.
“D-Duchess?”
“Lumabas kana. Inuutusan kita.” Mahinahon kong sabi na agad nya namang sinunod.
“Masusunod, duchess.” Lumabas na sya pagkatapos. Suminghal muna ako bago nagsimulang maligo.
Nagayos na ako at pinili 'yung pinaka-magandang dress. Naka-suot ako ng fitted white dress na may slit sa kanang bahagi at open 'yung likod. Pinares ko 'yung dress ko sa kulay ng buhok na kulay violet. Inilugay ko lang 'yung buhok ko at kunulot.
Pagkatapos kong magayos bumaba na din ako. Nadatnan ko si kai na nagaabang sa baba ng hagdan. Seriously? Kaya kong bumaba magisa! Ba't kailangan pa ko hintayin ng abn*rmal na 'to? Tapos na dapat lahat kung pinirmahan mo lang 'yung divorce paper! Pero ayaw mo!
Nang makita nya ko nanlaki ang mata nya. Hinawi ko ang buhok ko. Yes! That's right! Maganda ako! Sobra!
Nang magtama ang mga tingin namin agad syang umiwas ng tingin. Dumiretso lang ako sa pagbaba ng nasa harap nya na ko. Inilapag nya ang kamay nya sa harap ko. The f*ck?
Hinawakan ko na lang ang kamay nya. “Ginagawa mo?” Mahinang tanong ko sa kanya.
“Inaalalayan ka.” Maikling sagot nya. “Hindi mo na kailangang gawin 'yun!” Hindi nya na ko pinansin at nagsimula ng maglakad.
“Tsk!”
Lumabas na kami pareho. Sakto lang ang paglabas namin dahil nandito na ang karwahe na sinakyan ng saintess.
Tumigil ito sa harap namin. Nandito din ang mga maids sa labas na nasa gilid namin. Lumabas ang saintess na naka-suot ng long white dress at veil.
May pa veil pa! Face reveal!
“Welcome to our humble mansion, saintess.” Sabay-sabay na sabi namin at yumuko.
“Thank you for welcoming me warmly.” Yumuko din sya.
“Pumasok na tayo.” Sabi ni kaiden.
Nang makapasok kami agad kaming nagpakilala sa isa't isa.
“Im the duke in this mansion. Kaiden Knox McKnight and she's my wife and the duchess.”
“I'm the duchess, Athanasia Jayden Mcknight. Welcoming the saintess.”
“Shaima clay channel.”
Pagpapakilala namin sa isa't isa.
“Paniguradong napagod ka. Magpahinga kana muna.” Tapos simulan nyo na love story nyo para makaalis na ko!
“Mamaya na. Gusto ko munang makausap si kai—Pasensya na duke nga pala.” I smell something fishy?
“No, it's okay. You can call me whatever you want.” Sanaol
“Really? Thank you.” Lumapit sya kay kaiden at kumapit sa braso.
“Ang asim nyo pareho.” Bulong ko.

YOU ARE READING
Wake Up As A Villainess
FantasíaWhat will you do if you suddenly wake up inside a book. But..... not as the main character but as a villainess or known as the antagonist in the story will you follow the plot or change it. Date started: Dec. 02, 2022 Date finished: Dec. 10, 2022