Chapter 3

262 17 0
                                    

Kasama nila si miya. Si miya ang personal maid ko, simula ng maging asawa ako ni kai. Sya ang nagalaga sakin. Alam ng lahat ng possessive ako sa asawa ko at di lang 'yun nananakit din ako ng mga trabahador kasi nga 'villain' ako.

Dahil dun lahat sila takot sa akin pero babaguhin ko 'yun hangga't hindi pa ko na di-divorce sa husband ko.

Kukunin ko ang loob ng mga tao. Kailangan ko ng mga magiging kakampi ko sa loob ng mcknight's mansion dahil magisa lang ako dito.

Mabilis na lumapit sakin si miya at inalalayan.

"Jusko po! Anong nangyari dito, duchess? Bakit ang kalat naman ng lugar na ito? Nag away ba kayo ng duke? Ayos ka lang ba?" Naguguluhang tanong nya. Kinuha nya ang sandals ko at muling bumalik sakin.

Tinignan ko ang mga kasama nya. Halos walang nagtangkang lapitan ako. Ganun ba ko kasama sa kanila?

Wala kong oras para magisip ngayong araw. Pagod na ko't gusto ko munang magpahinga.

"Ano pang-ginagawa nyo? Ayusin nyo na ang opisina ng duke!" Utos nya sa kanila na agad namang sinunod nila. Bukod sa personal maid ko sya. Sya din ang head maid.

"Magpahinga ka muna. Mukhang pagod kana, duchess." Nagalalang sabi nya. Tumango lang ako at nagsimula na kaming maglakad.

'Duchess?' Ha! 'Duchess na walang kapangyarihan?'

Duchess man ako dito, napaka-rami pa ding nanliliit sakin dahil bukod sa hindi sya pumunta sa honeymoon namin, 6 years ago. Nanggaling din ako sa hindi ganun kayamang pamilya.

I need power. Ngayong duchess ako wala akong kapangyarihan at minamaliit ng mga tao. Paniguradong pag nagdivorce kami mas lalo akong mamaliitin ng mga tao.

McKnight ang pinaka-mayamang pamilya dito sa obelian empire. Ang ama ni kaiden na si maximilian ang nakaba-batang kapatid ng emperor. Tatlo sila magka-kapatid na sila emperor charleston, ang panganay. Prince maximilian, ang panglawa at princess sheena, ang bunso.

Namatay ang ama ni kai nung 15 years old sya. Sa murang edad naging duke agad sya dahil nagiisang anak sya.

Nang makarating kami sa kwarto ko. Agad kong hinagis ang sarili ko sa kama na ikinagulat ni miya.

"Duchess!" Pananaway nya at hinampas ang paa ko. Tinignan ko lang sya.

"Hindi pwedeng gawin nyo 'yan! Tandaan nyo! Kayo ang duchess ng pinaka-mayamang pamilya sa obelian empire na sunod sa imperia-" Pinutol ko ang pagsasalita nya at tumayo.

Umupo ako sa kama at inayos ang sarili ko.

"Alam ko naman 'yun pero pagod na ko kaya pwede na ba ko matulog?" Tanong ko sa kanya.

Wake Up As A Villainess Where stories live. Discover now