“By the way thank you dahil niligtas mo ko.” Aalis na sana ako ng hawakan nya ang braso ko.
“Nagugutom ka?” Tanong nya ulit. Tumango lang ako. “Halika. Lulutuan kita.” Hinila nya ako.
Pumayag na din ako dahil paniguradong walang pagkain sa kusina saka gusto ko din matikman luto nya. Curious ako at excited.
Nang makarating kami sa kusina binuksan muna nya ang ilaw at naghanda sa pagluluto. Umupo lang ako sa isang upuan habang sya nasa harap ko nagluluto.
Tinignan ko lang sya. Napaka-gwapo talaga nito. Naging asawa k—Ha? Naging asawa ko sya?
Nagulat ako ng maglapag sya ng mango graham cake sa harap ko. “Para san 'to?” Tanong ko at kinuha ang graham.
“Tulala ka na d'yan. Baka gutom na gutom kana. Kainin mo muna 'yan.” Sabi nya at tumalikod din pagkatapos. Tumango na lang ako at nagsimulang kumain.
Ano nga ulit 'yung iniisip ko kanina? “Nevermind.” Bulong ko at tinuon ang tingin sa graham.
“Ang sarap nya talaga!” Masayang sabi ko.
Nakaramdam ako ng antok habang kumakain kaya iginilid ko muna ang graham at nilagay ang kamay ko sa lamesa para matulog. Mabilis akong naka-tulog dahil bumigat ang talukap ng mata ko.
Mabilis kong minulat ang mata ko dahil may bumuhos ng tubig sa mukha ko. “The f*ck?!” Bulyaw ko.
“Gising ka na ba?” Medyo madilim pa ang tingin ko kaya kinusot ko muna 'yun.
“Ang t*nga ng tanong mo. Syempre gising na ko! Pagkatapos mo ba naman akong buhusan ng tubig?” Ang b*b* naman nito. Iniangat ko ang tingin ko. Mabilis na nanlaki ang mata ko ng makita si sha—sheena.
“Sha—Sheena!” Pero mas lumaki ang mata ko ng makitang nasa loob ako ng kulungan.
“Ano 'to? Ba't ako nandito?” Naguguluhang tanong ko.
“Hanggang ngayon hindi mo pa din alam?” Natatawang tanong nya.
“Magtatanong ba ko kung alam ko ang sagot? Hirap talaga pag-t*nga kausap.” Tumayo ako. Mabuti na lang at di naka-gapos ang kamay ko. Nilapitan ko sya.
“HAHAHA. Okay. Let me explain. Nandito ka ngayong dahil nilason mo ko.” Pagpapaliwanag nya.
“Nil*son? Ako nanl*son? Kung pap*tay ako hindi ko gagamitin ang l*son. Patagal lang 'yun. Sas*ks*kin agad kita para pat*y agad.” Naiiritang sabi ko.
“I know its hard to believe but that's the trut—Oh yeah! I forgot to tell you. Hindi 'yun ang totoo. Nilason ko ang sarili ko para pagbintangan ka at kamuhian ng royal family at ng asawa mo.” Sabi nya saka tumawa ng malakas. Nasaan ba kasi ako ngayon?
“For what? Ano namang makukuha mo dun?” Mahinahong tanong ko.
“Power.” Maikling sagot nya.
Really? To get a power kaya nyang pumatay?
“Power? Your not a saintess but a sinner! A demon!” Galit na sabi ko.
“Oh dear. Too slow.”
“Hmmm. I know your tired so rest now.” Sabi nya at ngumiti ng nakakaloko.
“A-Anong gagawin mo sakin?” Kinakabahang tanong ko at lumayo sa kanya.
“Since alam mo na lahat. P*p*tayin na kita. Mahirap na at baka magsumbong ka pa.” Sh*t. Mamatay na naman ako? Ugh! I-Im scared!
“No! Please! No!” Nagmamaka-awang sabi ko at umiyak.
“Sleep well, saintess.” Huling sabi nya bago pinahinto sa pagtibok ang puso ko.
“I-I-Im s-scared. I-I-I w-want t-to l-live.” Doon na ko nawalan ng malay.
YOU ARE READING
Wake Up As A Villainess
FantasiaWhat will you do if you suddenly wake up inside a book. But..... not as the main character but as a villainess or known as the antagonist in the story will you follow the plot or change it. Date started: Dec. 02, 2022 Date finished: Dec. 07, 2022