Chapter 11

310 15 0
                                    

Inikot ko ang paningin ko at nakitang nagtitipon-tipon sila sa loob ng kwarto ko?

Hindi ako tumayo. Ang mata ko lang ang ginamit ko. Nagulat ako ng makitang nasa kanan ko si miya at umiiyak.

“Diyos ko! Kunin nyo na lahat, wag lang si athy. Masyado pa syang bata at alam ko na napaka-rami pa ng pangarap nya. Nagmamaka-awa ako sa inyo.” Pagdarasal nya habang hawak ang kamay ko.

Habang si kaiden naman kausap 'yung saintess. Si hestio naman may binabasang libro para gamutin ang mga sakit. Tinitignan ko lang sila. Matutulog na ulit sana ako ng bigla akong yakapin ni miya.

“Athy! Salamat at nagising kana.” Masayang sabi nya at mas lalong hinigpitan ang pagkaka-yakap.

“Oo nga.” Matamlay na sabi ko. Ano bang nangyari? Ang naalala ko lang si—sino nga ulit 'yun? Dahil sa pagiisip ko mas lalong sumikip ang dibdib ko.

“Duchess!”

“Athanasia!”

“My wife!”

Iba't-ibang tawag sakin nung tatlo. Lumapit sila sa akin. Gumilid si miya at niyakap naman ako ni kaiden. Wow? Alam nya talaga umacting no? Apaka-plastic.

“Kamusta ang pakiramdam mo?” Tanong nya.

“Ayos lang ako.” Naiiritang sabi ko.

“Ano bang nangyari?” Tanong ni shai

“Wala. Hindi ko din maalala.” Tinignan ko si hestio. Nakita kong nakatingin lang sya sakin na may pagaalala sa mata. Mukhang nasaktan din sya sa sagot ko.

“Hindi mo maalala?” Tanong ulit ni shai at tumango lang ako.

“Siguro side effect na 'yun ng matagal mong pagtulog.” Sabi ni miya

“Mahaba? Tatlong oras lang naman ako natulog?” Takang tanong ko.

Umiling silang lahat. “Duchess halos 43 araw kang tulog.” Mabilis na nanlaki ang mata ko. “4-43 days? Tapos tulog lang tawag nyo dun?” Tumango silang lahat.

“Kung na tulog ako ng ganyan sa mundo ko paniguradong naka-libing na ko.” Bulong ko.

“M-May tinatawag ba ko habang tulog?” Tanong ko muli.

“Mero—”

“Wala. Wala kang tinatawag.” Pagsabat ni hestio na kanina nasa gilid at ngayon nasa harap ko na.

“O-Okay.” Dahil sa seryoso nyang itsura hindi ko na nagawang magtanong muli.

“Pagod ka pa. Pagpahingahin na muna natin sya.” Sabi nya at tumalikod. Tumango naman sila.

“Magpahinga ka muna.”

“Tawagin nyo ko kapag may problema ha? Hilain nyo lang 'to.” Turo nya sa lubid na katabi ng kama ko.

“Babalik ako mamaya para tignan muli ang kalagayan nyo. Hali kana kaiden.” Hinawakan nya ang braso ng asawa ko. Ang laswa!

Tumango lang ako at lumabas na din sila pero ng makalabas na ang tatlo tumigil si hestio sa kanang bahagi ko na malapit na sa pintuan.

“Why do you keep searching for your past life? Didn't I told you to stop? Stop this. I-I can't keep seeing you like this. It hurts more than how you feel. I-I feel like I'm useless. I-I can't do anything but t-to watch you suffer.” Huling sabi nya bago umalis.

“I-Im sorry but i-i want to remember y-you and o-our child. No matter what happened.” Naluluhang sabi ko.

Feeling ko hanggang ngayon nasa katawan ko pa rin ang real villain ng kwento. Nasa loob ko sya.

Wake Up As A Villainess Where stories live. Discover now