Chapter 7

272 12 0
                                    

*FLASHBACK*

“Mahirap ba 'yun? Mabuti na lang at magisa lang ako, walang kapatid dahil ayokong maramdaman nila 'yung nararamdaman ko ngayon! Walang anak ang deserve ng lahat ng 'to! Diba dapat sa inyo ko unang maranasan 'yung sinasabi nilang pagmamahal? Pero bakit! Bakit hindi ko 'yun maramdaman sa inyo?” Sinubukan akong lapitan ni mama pero tinulak ko sya na naging dahilan ng pagka-tumba nya.

“Deserve mo 'yan!” Sigaw ko. Nagulat ako ng sampalin ako ni papa.

“Sumusobra kana, cayena!” Pananaway nya.

“Ha! Ako pa ngayon 'yung sumusobra? Kamusta naman kayo? Kamusta naman 'yung mga ginawa nyo sakin? Tinulak ko lang naman sya diba? Kulang pa nga 'yun! Inabanduna nyo ko! Inabanduna!” Tumakbo ako palabas ng bahay. Do I really deserve this? Kasabay ng pagiyak ko ang pagbagsak ng ulan.

“Looks like god is on my side today?” Bulong ko at mas binilisan ang pagtakbo.

Hindi ko na pansin na nasa gitna na pala ako ng kalsada. “CAYENA!” Pagtawag sakin ng mga magulang ko.

Nilingon ko sila at nagulat na lang ako ng makita ang papalapit na truck.

“CAYENA! NO! NO!” Mabilis ang pangyayari. Lumapit silang dalawa sakin at iniyakan ako.

Unti-unti na kong nawawalan ng malay. “Im sorry.” Bulong ko bago nalagutan ng hininga.

*END OF THE FLASHBACKS*

Nagising ako na pawis na pawis ang buong katawan ko. “Duchess!” Andito na pala si miya?

“Anong nangyar—”

“Anong oras na?” Tanong ko sa kanya.

“Huh? Ah—8:30 am.”

Sh*t. Nakalimutan ko ngayong araw pupunta 'yung female lead sa mcknight's mansion.

Guest sya ng emperor pero dito sya titira dahil na din sa utos ng emperor.

Suminghal muna ako bago tumayo. “D-Duchess! Bakit pawis na pawis kayo? May nangyari ba?” Hinawakan nya ang noo ko para siguraduhing wala akong sakit. Ibinaba ko 'yun.

“Ayos lang ako.” Maikling sagot ko.

“Pe-pero baka kailangan nyong magpatingin sa doctor?” Lalabas na sana sya ng hawakan ko ang braso nya.

“Ayos nga lang ako. Nandyan na ba 'yung guest?” Binitawan ko sya.

“Oo nga pala! Kailangan nyo ng magayos!” Tinulak nya ko papasok sa comfort room.

“Wa-wait lang! Don't tell me paliliguan mo pa ko?” Tanong ko sa kanya at masaya syang tumango.

“Syempre! Kailangan kitang paliguan! Wag ka ng magtanong pa! Kailangan nating magmadali!”

“HUH?!" Tinulak ko sya papalapit sa pinto at pumiglas naman sya.

“D-Duchess?”

“Kaya ko ng paliguan ang sarili ko. Hindi ko na kailangan ng tulong mo. P-pwede kanang lumabas.” Nasa harap na kami ng pintuan. Tutulak ko na sana sya ng humawak sya sa pintuan.

“Ayoko! Hindi pwede!” Galit na sabi nya.

Wake Up As A Villainess Where stories live. Discover now