Hindi ko sya kilala pero mahalaga sya sakin, sila sakin.
“Seriously! Mababaliw na talaga ko. Hindi ko na iintindihan ang mga nangyayari pero isa lang alam ko gusto kong maalala ang nakaraan kong buhay.” Suminghal muna ako bago pinikit ang mga mata ko. Gusto ko munang magpahinga.
Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Naisipan kong hilain ang lubid pero anong oras na din. Mukhang madaling araw na dahil napaka-dilim at ang tanging ilaw lang ay ang buwan. Naawa din ako kay miya. Napaka-rami nyang trabaho dahil sakin. Alam kong oblegasyon nya 'yun dahil trabahador ko sya pero tao pa rin si miya. Kailangan nya ding magpahinga.
Tumayo ako at sinuot ang tsinelas ko. Nagsimula na kong lumabas sa kwarto ko. Habang naglalakad napa-tigil ako sa kwarto ni shaima. Nakarinig kasi ako ng boses. Lumapit ako sa pintuan at idinikit ang tenga ko para makinig. Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ni shaima.
“Kahit anong mangyari. Masusunod at masusunod ang propesiya. Ako ang magiging makapangyarihan sa lahat. Papatayin ko ang kasalukuyang duchess at ako ang papalit sa kanya pagkatapos nun gagamitin ko ang duke para maging crown princess at ako si sheena ang magiging empress! HAHAHAHA.” Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa sobrang gulat.
“Ang totoong villain sa kwento ay hindi ako? Kundi ang saintess?” Tanong ko sa sarili. Umatras ako para umalis pero nagulat ako ng biglang tumunog ang naapakan kong kahoy.
“Sh*t.” Narinig ko ang papalapit na yakap sa akin. “Anong gagawin ko?” Kinakabahang tanong ko sa sarili.
Pinikit ko na lang ang mata ko dahil hindi ako makagalaw sa sobrang kaba. Magbubukas na sana ang pinto ng may biglang humila sa braso ko at tinakpan ang bibig ko.
“MMM!” Pagpiglas ko.
Nagbukas ang pinto at iniluwal nito si shaima. Ibang-iba ang itsura nya. Naka-suot sya ng itim. Balot na balot sya ng kulay itim.
Parang nagri-ritwal sya dahil sa likod nya may kulay itim na baul. Tumigil ako sa pagpiglas at pinanood na lang muna sya kung anong gagawin nya.
“Ano 'yun? May tao ba dito? Lumabas kana!” Galit na tanong nya.
“Sheena.” Pagtawag sa kanya galing sa loob.
Sheena? Pero shaima pangalan nya. Nilingon nya 'yun.
“Ano?!” Bulyaw nya.
“Anong oras. Malapit na silang magising.” Mahinahong sabi mula sa loob.
“Tsk! Alam ko!” Pumasok sya sa kwarto nya at sinara ang pinto.
Tinanggal ng nasa likod ko ang kamay nya sa bibig ko. Mabilis akong lumayo sa kanya.
“S-Sino ka?” Takang tanong ko. Madilim kasi kaya hindi ko makita ang mukha nya.
Dahan-dahan syang lumabas. Nagulat ako ng makita si hestio.
“Alam mo bang pwede kang mapahamak sa ginagawa mo?” Tanong nya pabalik.
“A-Alam ko! Hindi ko naman sinasadyang makinig. Dumaan lang ako para pumuntang kusina tapos narinig ko sya kaya nakinig muna ako.” Pagpapaliwanag ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/328574380-288-k364010.jpg)
YOU ARE READING
Wake Up As A Villainess
FantasiWhat will you do if you suddenly wake up inside a book. But..... not as the main character but as a villainess or known as the antagonist in the story will you follow the plot or change it. Date started: Dec. 02, 2022 Date finished: Dec. 10, 2022