“Anong nangyayari? Ba't ka umiiyak? Sinaktan ka ba niya?” Sunod-sunod na tanong nya at hinawakan ang pisnge ko. Mabilis ko naman 'yung hinampas.
“Wala.” Maikling sagot ko at inirapan sya. Paki-alam naman nito?
“Hestio. May ginawa ka bang masama sa duchess?” Tanong ni shaima dun sa lalaki.
Umiling-iling sya. “Wala. Hindi ko sya sinaktan.” Sagot nya.
“Pasensya kana duchess.” Yumuko sya.
“Ayos lang 'yun.” Ngumiti ako.
“Isang malaking krimen ang ginawa mo kung mapapatunayang totoo.” Seryosong sabi ni kaiden.
“Hindi nya nga ko sinaktan!” Bulyaw ko.
“Ganun ba? AH—Duchess, Duke. Ipapakilala ko sa inyo ang apprentice ko.” Pagpapakilala nya sa kanya.
“Hestio Dhan Paterson. Greeting the empires god and goddess. The duke and the duchess." Yinuko nya ang ulo nya.
Mukhang walang planong magpakilala ang asawa ko kaya ako na lang gagawa.
“Im the duchess and wife of the duke Athanasia Jayden Mcknight. He's my husband, the duke Kaiden Knox McKnight.” Yumuko ako at ganun din si kaiden kahit labag sa loob nya.
“Ngayong magkakakilala na tayong lahat. Nais ko sanang magsalo-salo tayo. Pwede ba 'yun?” Tanong ni shaima
“Pwed—”
“Kayo na lang.” Huli kong sabi at nagwalk-out.
Dumiretso ako ng kwarto ko. Wala kong oras para kumain. Pagkatapos nila kong hayaan na kumain magisa tapos magsasalo-salo kami? Suyuin muna nila ko.
Pumasok agad ako sa kwarto ko at nilabas ang paintings ko. Mahilig kasi ako magdrawing. Umupo ako sa harap ng papel na pagd-drawingan ko.
A/P: pasensya na nakalimutan ko 'yung tawag dun. Basta 'yung pinagd-drawingan ng mga artist.
Sinimulan kong magdrawing. Sa pagd-drawing ko napapakalma ko ang sarili ko.
Hindi ko namalayang nakapag-drawing ako ng isang baby boy. Mabilis na kumirot ang puso ko. Hinawakan ko ang pisnge ko. Katulad kanina umiiyak na naman ako. Masakit na naman ang puso ko. Hindi na naman ako maka-hinga.
I feel like I miss something. I feel like I know this child. I feel like he's important to me.
“M-My baby.” Nagulat ako ng lumabas ang salitang 'yan sa bibig ko. Baby? Anak ko sya? Pano—Naguguluhan ako.
Hindi ko tinapos ang kwentong 'to dahil nga sa boring na plot. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
“Hashito.” Pagtawag ko sa pangalan ng bata na nasa larawan.
“Mama's sorry for forgetting y-you and your f-father.”
Dahil sa halo-halo ang nararamdaman ko at naguguluhan ako. Hindi ko na kinaya at nawalan na ako ng malay.
Miya's Pov —
Binuksan ko ang pinto ng kwarto ng duchess dahil naghanda ako ng paborito nyang mango graham cake. Pagkabukas ko mabilis na nanlaki ang mata ko ng madatnan ko na naka-handusay ang duchess sa lapag.
Mabilis ko syang nilapitan at inilapag ang graham sa lamesa.
Binuhat ko sya at tinignan kung may pulso pa. mayroon pa naman.
“Duchess? A-Anong nangyari? Duchess! Ayos ka lang ba! Tulong! Ang duchess!” Binitawan ko muna sya at lumabas para humingi ng tulong.
Athy's Pov —
Iminulat ko ang mga mata ko. Nagulat ako ng puro itim lang ang nakikita ko. “Nasaan ako?” Tanong ko sa sarili.
Inikot ko ang paningin ko at nagulat ako ng may makitang batang lalaki.
“Hey kid! Ba't ka nandito? Nasaan 'yung mga magulang mo?” Sinubukan kong lumapit sa kanya pero kahit anong gawin ko. Hindi ako makalapit sa kanya. Tila ba nasa ibang lugar sya kahit na nasa iisang lugar lang kami.
Kahit anong takbo ang gawin ko hindi ko sya magawang malapitan.
Humarap sya sa akin. Tek—Sya 'yung bata sa painting!
“Hashito?”
“Mama. Wake up. It's time for you to wake up. Papa and me are fine so keep living without remembering us.” Sabi nya at nginitian lang ako.
“NO! NO! HASHITO! WAIT! NO! HASH—”
“ITO.” Nagising ako bigla.
YOU ARE READING
Wake Up As A Villainess
FantasíaWhat will you do if you suddenly wake up inside a book. But..... not as the main character but as a villainess or known as the antagonist in the story will you follow the plot or change it. Date started: Dec. 02, 2022 Date finished: Dec. 07, 2022