Chapter 4

290 20 0
                                    

Napa-singhal na lang sya at tumango. “Pero magpalit muna kayo ng pantulog.”

Tumayo ako. Kumuha sya ng sleepwear ko. Tinulungan nya kong tanggalin ang dress ko na kasing bigat ng chandelier.

Pagkatapos nun nagpalit na din ako. Humiga na kong muli at sya naman umupo sa tabi ko.

“Matanong ko lang. Anong nangyari sa loob? Bakit naman napaka-kalat? Nag away ba kayo ng duke? Sinaktan ka ba nya?” Sunod-sunod na tanong nya.

“Hindi.” Maikling sagot ko.

“Pero panong—”

“Tinanong ko sya kung pwede ba kaming magdivorce.” Mabilis na nanlaki ang mata nya at hinila ako patayo.

“M-miya?” Kabadong tanong ko dahil napaka-talim ng tingin nya sakin.

“ANOO?!" Malakas na sigaw nya. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko't inalog-alog ako.

“A-anong sagot ng duke?” Kinakabahang tanong nya.

“B-bitawan mo m-muna ako.” Sinunod nya naman ang sabi ko

“Syempre—” Pinutol ko ang sasabihin ko at tinignan sya. Ang cute HAHAHA

Hinihintay nya ang sunod kong sasabihin. “Syempre—Hindi.” Mukhang nabunutan sya ng tinik sa sinabi ko.

Napa-singhal sya. “Mabuti naman.” Tumayo ako at tinulak sya palabas ng kwarto ko.

“Nasagot ko na tanong mo. Pwede ka ng lumabas miya.” Mabilis kong sinara ang pinto.

“D-duchess? Pe-pero?"

Bukas na magsisimula ang 'villains survival diary!' Tignan natin kung maliligtas ko ang sarili ko sa tragic ending ko.

Humiga akong muli at pinikit ang mga mata ko.

Maliligtas ko kaya ang sarili ko? Maiiwasan ko kaya ang tragic ending ko? O di kaya'y masusunod ang sinulat ng writer?

Magsisimula na ang totoong laban bukas.

Wake Up As A Villainess Where stories live. Discover now