“Duchess? Duchess!” Pagtawag nya sa akin. “What?” Bulyaw ko.
“Mauna kanag kumain. Maguusap muna kami.” Tumango lang ako at umakyat sa taas.
“Tsk.”
“Haharap ka o haharap ka? Mamili ka. Ayusin mo ang mga desisyunan mo sa buhay.” Mas lalo kong hinigpitan ang pakaka-hawak sa kanya.
“H-Harap ako.” Aba syempre. Wala ka namang pagpipilian. Binitawan ko na din sya at hinintay syang humarap.
Mabilis na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang napaka-gwapo nitong mukha. Napaka-simple lang ng suot nya pero kitang-kita mo ang kagwapuhan nito.
Umiwas ako ng tingin ng makaramdam ako ng kirot sa puso. “Ano 'yun?” Tanong ko sa sarili.
Bakit feeling ko nakita ko na sya dati? Bakit parang ang saya ko ng makita sya? Bakit parang nabunutan ako ng tinik? Bakit?
“Lady? Takang tanong nya. “Oh! Lady!” Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Pinunasan ko agad 'yun. Ano bang problema ko ngayong araw? Bakit ako umiiyak?
“Pasensya kana.” Lumapit sya sa akin at nagabot ng handkerchief. Kinuha ko 'yun at pinunasan ang mukha ko.
“Hindi ko alam na ganun pala kahalaga sayo ang mga bulaklak na nandito.” Umiling-iling ako.
“Huh? Ayos lang 'yun. Pumitas ka na lang kung gusto mo. Trip mo 'yan. Wala naman akong magagawa.” Inayos ko ang sarili ko at tumalikod sa kanya para umalis dahil feeling ko iiyak ulit ako.
“Saglit lang!” Hinawakan nya ang braso ko. Problema nito? Pinayagan ka na nga e.
Hinarap ko sya. Sh*t. Umiiyak na naman ako. Binitawan nya ko at pinunasan ko muli ang mukha ko. May sakit ba 'tong mga mata ko?
Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ako makahinga. This time hindi ko na pinigilan ang mga luha ko at hinayaan ko na lang.
Lumapit sya sa akin at niyakap ako. “Hic. Hic. Hic.” Pagiyak ko.
Hindi ko alam pero unti-unting gumaan ang pakiramdam ko ng niyakap nya ako. Ang saya nang nararamdaman ko. Masaya ako na niyakap nya ako.
“Shhh. Don't remember us. Keep living like you don't know me, okay? I don't want you to suffer anymore. Forget about us and look forward to your future. I love you so much, my wife.” Hinalikan nya ang noo ko. A-Anong ibig nyang sabihin? W-Wife?
Napatigil ako sa pagiyak ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Kumalas ako sa pagkaka-yakap at tinignan kung sino ang tumawag sa akin. Nakita ko si kai na ang talim ng tingin sakin.
Mabilis syang lumapit sa akin. Hinila nya ko palayo dun sa lalaki at inilagay sa likod nya. Kasama nya din 'yung saintess. Mukhang tapos na sila magusap?
YOU ARE READING
Wake Up As A Villainess
FantasyWhat will you do if you suddenly wake up inside a book. But..... not as the main character but as a villainess or known as the antagonist in the story will you follow the plot or change it. Date started: Dec. 02, 2022 Date finished: Dec. 07, 2022