[ 05 ]
MESSAGES
working girls 💪💲 >
11:30
Naya
OMG Girls!!!!
Hulaan niyo sino nakita ko dito sa starbucks!!!
Tasha
Hindi ko alam ikaw nakakita eh. 😂😂😂
Naya
Ano ba yan, Tash!
May kasalanan ka pa sa 'kin ah?
Tasha
Ay sorry akin 😂
Sige gow, kwento mo na 'yan!
Valeen
AHAHHAAHAHAHA ano ba kayong dalawa
Mag-kwento ka na Naya, dali!
Naya
Ayun na nga
Inaantay ko si Tash dito sa starbucks na sunduin ako
Kasi diba hindi naman ako umabot sa interview ko
Tapos habang inaantay ko 'yung order ko, umupo muna ako sa gilid.
Dami kasing tao, tapos may nakita akong lalaki.
Valeen
Omg, gwapo?!!
Tasha
Mayaman ba? Matangkad?
Naya
Luh
Ano ba namang tanong 'yan?
Tasha
Ano nga!
Naya
HAHAHAHAHA sungit hmp
Tapos ayun, kamukha siya ni Zef.
Tasha
Zef?
Sinong Zef?
Naya
Zefran. Zefran Alcantara.
Valeen
Ay baby daddy.
Tasha
Ohhhh. 👀
Naya
Tapos ayon, nagtago ako agad.
Nagulat talaga ako, kasi sabi ni Ate Peach nasa ibang bansa siya tapos nakita ko bigla dito.
Tasha
Sure ka ba na si Zef nga 'yon?
Baka naman kahawig lang?
Naya
Oo, sure ako.
Kasi after nyang umorder, nakita ko mukha eh.
Tsaka tinawag din siya para kunin order niya.
Valeen
IHHHH Kinikilig ako, Naya!
Baka eto na ang sign, gurl!
Meant to be talaga kayo! 😻😻😻
Tasha
Tru! Sabi nga love is sweeter the second time around diba?
Tapos ngayon, meron na kayong Ella. ❤️
Naya
Eh hindi nga ako sure diba?
Tasha
WEH?
Akala ko ba sabi mo nung time na 'yon siya lang?
Valeen
Oo nga, tapos you were asking us pa paano kung ma-in love ka
tapos siya hindi.
Naya
Ah ewan!
Hindi ko alam, baka hindi siya.
Tasha
Eh paano kung siya nga ang daddy ni Ella?
Paano na 'yan?
Naya
Hindi na dapat niya malaman, okay?
Tsaka for sure galit sa 'kin 'yon, ako nga nang-iwan sa kanya diba?
Kaya okay na rin 'yon, tahimik naman na ang buhay namin pareho.
Valeen
Hay nako, Naya!
Pwede mo naman ipa-DNA test bakit pinapahirapan mo pa sarili mo?
Naya
Girls, 5 years na ako lang ang kasama ni Ella.
Lumaki naman siyang masayahing bata kahit dalawa lang kami.
Tasha
Wala naman kaming sinabi na hindi masaya si Ella sayo.
Mahal mo rin naman kasi si Zef kahit hindi mo sabihin 'no.
Pero ikaw, ikaw bahala, buhay mo 'yan eh.