[ 32 ]
Tahimik lang si Naya at Zefran habang nasa loob ng elevator. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Naiinis pa rin siya sa ginawa ng lalaki kanina. Hindi niya alam kung pinag-t'tripan ba siya nito o gumaganti lang ang lalaki. Gustuhin man niyang iwasan ito, hindi naman sya pwedeng mag-resign. Wala naman siyang ibang malilipatan at isa pa, nahihiya siya kela Peaches at Jandro na walang sawa sa pagtulong sa kanya makahanap ng trabaho.
She knows that what happened in the past is old news and done, she just wants to be civil and professional. Hindi na niya gustong mapalapit pa ritong muli, lalo na't mayroon siyang isang bagay na itinatago rito.
Bakit ang tagal ng elevator na 'to? She thought to herself. She just wants this day to end and go home. Miss na niya ang anak niyang si Ella.
"Kamusta ka na?" Zefran suddenly asked. Napahawak si Naya sa dibdib niya sa gulat.
"Ha?" Tanging sagot niya. Hindi alam ni Naya kung anong pumasok sa utak nito at bigla siyang kinamusta nito.
"After what happened... How was life?" He asked. Pilit na binabasa ni Naya ang emosyon sa mga mata ni Zefran but he just stared at her blankly.
Naya took a deep breathe before answering and gave a small smile. "Hindi naging madali, pero kinakaya naman. Ikaw ba? Kamusta?"
Naya gave in and tried to keep the conversation going.
Zefran chuckled a bit. "Honestly? Still grieving but I'm okay, I think?"
Napakunot ang noo ni Naya sa narinig. Grieving? Bakit? Kanino?
"What? Sinong namatay?"
She admits. She's still curious about some things about Zef. Baka ganon talaga kapag minahal mo ng sobra, kahit hindi na kayo, andun pa rin 'yung pag-aalala.
"Puso ko."
Hindi agad nakaimik si Naya sa sagot ni Zefran. Mga ilang minuto silang nagkatitigan. No one dared to talk, all they can hear are their heart's beating. Napalunok si Naya at naunang mag-iwas ng titig.
"My heart died the day you left."
Mahinang sabi ni Zefran bago bumukas ang pinto ng elevator at nauna na itong lumabas at naiwan siya.
━━━━━━━━━━━━━━━━━━
Naya 🔒 @nayacastro
Awkward. Bakit ka pa kasi nagtanong eh
