81

118 3 0
                                        

MESSAGES

Jandro Alcantara >

today, 5:30 pm

Naya, gusto ulit makita ni Kuya si Ella.

WHAT?

Anong sinabi mo?

Don't tell me, pumayag ka?!

Of course not! Hindi ako pumayag 🙄

Sabi ko magtatanong muna ako

And besides, kahit naiinis ako sa pagtatago mo when it comes to things like this hindi kita papangunahan ano.

Good. Thanks Jandro!

Pero bakit sinasabi mo pa sakin?

Gusto mo bang pumayag ako?

Hindi.

Sinabi ko para malaman mo kung gaano kasabit sa anak 'yung kapatid ko

Don't you think it's time for him to know?

Hindi niya pa alam na anak niya si Ella and yet he loves her.

Ano pang kinakatakot mo?

Jandro naman

Pagisipan mo lang, Naya.

Don't be selfish, you can't be selfish now.

I am not!

Hindi ako aalis noon kung selfish ako.

Kahit alam kong malaki ang chance na magkita silang dalawa sa pagsama niya sayo, hindi ko siya pinagdamot sa inyo.

Leaving him was your choice, Naya.

Walang nagpapaalis sayo noon at lalong 'di ka niya pinaalis.

What are you trying to say?

'Wag kang magalit ha?

Ang sinasabi ko lang, umalis ka noon para maging successful siya

Kasi sabi mo nga ayaw mo maging hadland diba?

And it worked. Naging successful nga ang kapatid ko,

Hindi ba pwedeng sumaya naman siya ngayon?

What if magalit siya?

Paano kung ilayo niya sakin ang anak ko?

Paano kung hindi niya matanggap si Ella?

Naya naman

Okay, gets kita pero kung magalit siya karapatan niya 'yon.

Kung magalit edi magalit, but knowing Kuya?

Mas mahal ka pa non kesa sa mga awards na natanggap niya.

Mahal ka non kahit iniwan mo siya

Tsaka patawa ka, anong hindi matatanggap?

Kakasabi ko nga lang kanina na gusto niya makita diba?

I'm scared, Jandro.

Hindi naman natin alam kung ano magiging reaction niya.

Precisely!

At hindi mo lalo malalaman kung hindi mo susubukan. 🙄

Maybe it's time for you to face those fears.

Hindi pwedeng habang buhay ka lang tatakbo at iiwas.

Tandaan mo, walang sikreto ang hindi nabubunyag, if you want him to know - it's better to hear it from you.

At least walang dagdag bawas na magaganap, mas maiintindihan niya.

Ang serious mo, hindi ako sanay 🥺

Tangina ang dami ko sinabi ganyan sasabihin mo sakin, hmp! 🥲

Bahala ka nga pero seryoso ako sa sinabi ko

Pag-isipan mong mabuti.

HAHAHAHAA oo na 😂

Actually bago mo pa sabihin, iniisip ko na 'yan

Kakausapin ko muna si Ella at Zef ng magkahiwalay

Ayoko naman na magkabiglaan silang dalawa

Buti naman

Kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako

Opo tay 😂

Ulol! 😠 Anong tay, ang gwapo ko naman para maging tatay mo! 🤮🤮

HAHAHHAHAH pikon lol

Pero seryoso, thank you Jandro, mula noon hindi mo kami pinabayaan

Aayusin ko to, pangako.

'Wag ka mangako, gawin mo lang.

Deserve nyong sumaya pareho.

Illicit Affairs (Alcantara #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon