Pagpasok nina Zefran, Naya at Ella ay agad na sumalubong sa kanila ang buong pamilyang Alcantara na tahimik na inaantay sila sa sala.
Nang makita ni Raia ang anak, agad itong tumayo at naglakad palapit sa kanila. Zefran kissed his mom's cheeks. "Ma, this is Naya and this is my beautiful daughter - Ella."
"Hi Wowa!" Masayang bati ni Ella. Kilala na ni Ella si Raia dahil nakasama niya na ito nang mag dinner sila ng Daddy Jandro niya. Raia fondly played with her and told her to call her Wowa just like how er other grandchildren calls her.
Nakangiti namang sinalubong ni Raia ang mga bisig nya at agad namang tumakbo si Ella para yumakap. "I'm really your apo rin Wowa!" Nakangiting sabi ni Ella.
Raia kissed Ella's cheeks. "Yes sweetheart, you are my apo."
Halos maiyak naman si Naya sa tuwa nang makita kung paano tanggapin ng mga magulang ni Zefran ang anak nila. She never thought this day would come, sa mga magulang niya kaya kailangan sila matatanggap?
"So when is the wedding?" Tanong ni Keiron, Papa ni Zefran, habang nasa gitna sila nang salo-salo.
"We haven't talked about that yet, dad." Nakangiting sagot ni Zefran
"But you have plans right?" Singit ni Gaia.
"Of course!"
Bigla namang sumingit si Jandro, "Dade feeling ko matatagalan pa sila sa kasal."
Bigla namang napakunot ang noo ni Gaia, "Huh, what do you mean by that?"
"Kasi duh, naka score na yan si Kuya kagabi," natatawang sagot nito. "Zefran for 3!" Halos mamula naman sa hiya si Naya habang malakas na nagtatawanan sila Maverick at Walter pati na rin si Keiron.
"Oh my gosh, Jandro tigilan mo nga." Sabat naman ni Czarina, "Look oh! Naya's blushing na, epal ka talaga."
"Ate Peach, si Kuya oh. So kalat, my gosh." Pagsusumbong ni Skye na ikinasimangot naman ni Jandro "Sumbongera!"
Hindi mapigilan ni Naya ang pagtawa. She felt happy and accepted. Ganito pala ang pakiramdam na tanggap at masayang pamilya. Her heart feels happy to know that her daughter belongs to a well-loved family.
Napatingin naman agad si Naya kay Zefran ng bigla nitong hinawakan ang mga kamay niya at marahang pinisil. "Are you okay?" He mouthed. Naya nodded and smiled, "More than okay, baby. I'm happy."
She can't even contain the happiness that she's feeling. Kung alam lang niya na ganito ang kapalit ng pagsubok niya, sana noon pa niya ginawa, pero baka ganon talaga. Time is really the ultimate truth teller.