[ 42 ]
"Mama!" Agad na sigaw ni Ella pagkapasok niya sa apartment nila. Naka-sunod lang sila Peaches at Jandro sa likod nito kasama ang mga anak nito.
Agad namang sinalubong ni Naya ang anak at niyakap. "Hi baby, I missed you. How are you? Behave ka ba?"
Ella beamed and kissed her Mom's cheeks. "I missed you too, mama. Opo, behave ako kela Daddy Jandro."
"Ate Peaches, Jandro, Thank you ah?"
"Wala 'yun, ano ka ba, para kang others," natatawang sabi ni Jandro. "Sa susunod ulit!"
Napairap si Naya sa sinabi ni Jandro, "wala ng susunod, bwiset ka!"
"Wala nga akong kasalanan, 'di ko nga alam 'yun e." Dipensa ni Jandro sa sarili niya.
Umawat naman agad si Peaches sa kanilang dalawa. "The kids had fun today, Naya, pagod at busog na 'yan si Ella."
"Thank you talaga, ate. Sorry ha?"
"Ano ka ba, wala 'yun. We love having Ella around, 'wag mo pansinin 'yan si Jandro." Sagot ni Peaches habang pinanlakihan ng mata si Jandro.
Natawa naman si Naya ng itaas ni Jandro ang mga kamay nito na paran bang sumusurrender na sa sinabi ng asawa niya.
"Oh siya, mauna na kami para makapagpahinga na kayong dalawa," pagpapaalam nito sa kanya.
"Sige ate, ingat kayo pauwi ah. Thank you talaga!" Agad na tinawag ni Naya ang anak para makapag-paalam na.
"Bye po Daddy Jandro, Mommy Peach!" Paalam ni Ella at binigyan silang dalawa ng matunog na halik na ikinatawa nila.
"Bye baby, tulog na agad ah?" Bilin ni Jandro, "Opo."
"Naya, 'wag mo kalimutan mag lock ng pinto, double check mo bago kayo matulog ah." Pagpapaalala ni Jandro. Tumango naman si Naya at nag thumbs-up dito.
"Ingat sa pag dadrive ha!" Ulit ni Naya, "Oo na, pumasok na kayong mag-ina dali." Pagtaboy sa kanila ni Jandro bago pumasok sa sasakyan.
Natatawa namang inaya ni Naya ang anak at umakyat na sila para maligo bago matulog.
"How was your day, anak?" Tanong ni Naya sa anak habang sinusuklayan.
"Fun, mama! Laro kami ni Crumbles and Cookies! Tapos na meet ko po cousins nila, sila Ate Cherry and Ate Berry pati na rin po Mommy ni Daddy Jandro." Pagkukwento nito.
"Buti naman, nag-enjoy ka ba roon?"
"Opo! Na meet ko nga rin po si Papa eh," nakangiting sabi ni Ella.
"Ha? Papa? Sinong papa?" Natatarantang tanong ni Naya.
"Si Papa Zefran po. He's my Papa, Mama."
