90

80 2 0
                                    

Pagkasabing-pagkasabi ni Naya na anak nila si Ella ay mabilis na nilingon ni Zefran ang anak nilang busy at nag-eenjoy sa pagkain. He slowly walked towards her that made Ella look at him and smiled sweetly.

"Papa, kain tayo!" Nakangiting aya nito sa kanya at itinaas pa ang chicken na hawak.

Zefran grabbed Ella and hugged her so tight while in tears. He looked so hurt and in pain that made Naya sighed and looked away. Eto na, eto na ang isa sa pinaka kinakatakutan ni Naya. 

"Papa, sikip po! Hindi po ako makahinga," nauutal na sabi ng bata kaya mabilis namang niluwagan ni Zefran ang pagkakayakap dito. Nawala ang mga ngiti sa mukha ni Ella ng makita ang mukha niya. 

"Papa? Are you okay po? Bakit po kayo umiiyak? Mama, help po! Papa Zef's crying." Sunod-sunod na sabi nito. "No baby, I'm okay." Mahinang sagot ni Zefran habang yakap pa rin ang anak. 

Naguguluhang tumingin si Ella kay Naya. She's confused as to why her Papa Zef's crying. 

"S-She's... She's mine? My baby?" Nauutal na tanong ni Zefran kay Naya.

Naluluhang tumango si Naya. Matagal  silang nagtitigan. Parehas umiiyak, parehas na walang imik. 

"Mama, why are you crying din po?" Naiiyak na tanong ni Ella. Naguguluhan na siya dahil parehong umiiyak ang dalawa sa harap niya. 

Dahan-dahan namang lumapit si Naya sa anak. "Baby, diba you always ask mama who's your papa?"

"Opo, mama." Sagot ni Ella. "Pero now po hindi na masyado kasi diba mama sabi mo po 'di ka pa ready," mahinang sagot ni Ella habang pinupunasan ang mga luha ni Naya. 

Naya kissed Ella's cheeks. "Baby, mama is ready na." Agad na kumislap ang mga mata ni Ella. "Really, mama?"

Ngumiti si Naya sa anak at ihinarap ito kay Zefran na tahimik lang na nakikinig sa kanila.

"Anak, Papa Zefran is your Papa. Your real Papa," dahan-dahang sabi ni Naya sa anak.

Agad naman itong tumalikod at tumingin kay Zefran. "Papa," sabi ni Ella at tumakbo papunta kay Zefran. Sinalubong naman niya ito ng mahigpit na yakap at pinugpog ng halik sa pisngi. 

"I'm so happy po! Ikaw po pala talaga ang Papa ko!" Mas humigpit ang yakap ni Ella sa leeg nito. "I love you, Papa."

"I love you too, anak."



Illicit Affairs (Alcantara #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon