"Anak, Keinaia! You're here, come join us!"
Nakangiting lumapit sa kanya sila Raia at Peaches pagdating niya. Inaya nila ito papunta sa kusina at doon niya lang napansin na kasama rin pala si Gaia at Skye. They smiled at her and she waved back.
"Ano pong niluto niyo?" Nakangiting tanong ni Naya sa kanila, inihain naman ni Raia sa niya ang iba't ibang putahe na niluto nila kanina.
"This is beef salpicao, then we have pork steak and adobo flakes! Go try it, anak," Excited na sabi ni Raia na napa-palakpak pa sa tuwa. Gaia handled her a small plate and a spoon.
Isa-isang tinikman ito ni Naya at natawa sila Raia sa reaction niya. "Mommy, Ates, ang sarap! Bakit ganun? Ang hirap mamili ng ilalagay sa menu."
"Si mommy nagluto lahat nyan, favorite raw kasi nila Zuya Zef 'yan eh. Kaso, kagaya mo, hindi rin kami makapili." Pag-explain ni Peaches sa kanya na ikinagulat niya.
"Talaga? Hindi ko po alam 'yon. Pwede ko po ba mahingi 'yung recipe mommy? Secret lang natin promise po!" Nakangiting tanong niya at gumaya pa na parang batang nangangako na ikinatawa naman nila Gaia. "Mamaya, isusulat ko para sayo."
Pagkatapos niyang matikman ang lahat ng niluto nila Raia ay sinaluhan na siya ng mga 'to at nakipagkwentuhan muna. Sa kalagitnaan ng kwentuhan nila ay biglang pumasok si Jandro na natataranta.
"Ma! Ma!" Malakas na sigaw nito na kinagulat nilang lahat.
"Ano ba naman 'yan, anak. Kung makasigaw ka parang may sunog e, may problema ba?" Nag-aalalang tanong ni Raia.
"Ma, si Kuya umalis kasama si Ella may mga bitbit na gamit!"
