122

94 1 0
                                    

"Saan niya dadalhin 'yung anak ko, mommy?" Umiiyak na inalo ni Raia si Naya at pinapatahan ito. Halos hinid naman mapakali sila Gaia at kanina pa may mga tinatawagan na tao na pwedeng makatulong sa kanila.

"Baka naman may pinuntahan lang, nak?" Sagot nito, sabay bato ng Tsinelas kat Jandro. "Ano ba kasi nangyari graham balls? Nakausap mo ba ang Kuya mo bago siya umalis?"

Napakamot naman sa ulo si Jandro, "Eh kasi ma, pupuntahan ko sana sila Ella sa condo ni Kuya kasi nga raw andon din ang mga bata, edi syempre naawa ako tsaka gusto ko sila laruin e. Ayon pagdating ko, sila manang na lang ang nakasalubong ko at umalis daw may mga dalang gamit." Pag-eexplain nito na lalong nagpalakas sa hagulgol ni Naya. 

"Zef will never do this," naguguluhang sabi ni Gaia. "Nag-away ba kayo, Naya? Misunderstanding o selos?" Sunod-sunod na tanong nito sa kanya pero umiling lang siya. Wala naman silang away nitong mga nakaraan at kakaayos nga lang nilang dalawa kaya hindi niya maintindihan kung bakit gagawin ni Zefran ito.

"Wala talaga ate, kanina nag message pa siya sa akin e. Kaya hindi ko talaga alam kung anong nangyayari."

Inabutan naman siya ni Keiron ng tubig. "Don't worry Naya, pinapa-track na namin ang phone ni Zefran. Mahahanap din natin sila." Malumanay na sabi nito, "Jandro, update?"

Umiling lang si Jandro sa tanong ng Dade niya at nagkatinginan na lang ang mag kakapatid. 

"Mommy, Daddy, I know where Kuya Zef is na!" Malakas na sabi ni Skye habang nagmamadaling bumaba sa hagdanan.

Mabilis silang umalis lahat at kasalukuyan siyang nakasakay sa sasakyan ni Jandro. Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ni Naya, habang si Jandro naman ay biglang naging kalmado at pasipol-sipol pa habang nag dadrive.

"Malapit na ba tayo, Jandro? Nasaan na ba tayo?" Nag-aalalang tanong niya pero nginitian lang siya ni Jandro. "Chillax ka lang Naya, mahahanap din natin sila. Ikaw nga nahanap ko eh, 'wag ka masyadong kabahan. Di ka papabayaan ng pamilya namin."

"Hindi ko maiwasang hindi kabahan, Jandro." Naya bit her lower lip. "Sa tingin mo ba ilalayo sa akin ni Zef si Ella?" Jandro just shrugged his shoulders. 

"Hindi ko alam, napaka-unpredictable naman kasi nun ni Kuya eh. Pero sana hindi."

Nagsimula na namang maiyak si Naya. "I don't want to lose them, Jandro."

Illicit Affairs (Alcantara #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon