89

88 3 1
                                    

Zefran's POV

Umagang umaga ay mainit ang ulo ni Zefran, he cancelled all his appointments today for a meeting with the producers of his supposed to be movie but they cancelled on the last minute after knowing who the main leads are, nakapag pa-order pa naman na siya ng pagkain kay Naya. Unprofessional fuckers. 

Kanina pa niya tinatawagan si Jandro para kausapin, siya kasi ang gusto ng mga producers na gumanap sa pelikula na balak niyang gawin. As annoyed he may be, he still needs to make some reconsideration. Alam naman niyang magaling sa pag-arte ang kapatid, lalo na't kaliwa't kanan ang mga awards nito. 

Zefran massaged his temples and called Jandro's manager instead. After the call, he was informed that Jandro had an emergency meeting with the bosses. Kinakausap na siguro ito dahil sa nangyari kaninang umaga. 

He just decided to go upstairs and wait for him inside his office but to his surprise, he saw Ella and Crumbles playing with their dolls. 

"Papa Zef!"

"Papa Colli!"

Napangit siya ng makita ang mga ito at batiin siya. He gave them a peck on their cheeks, mabilis naman na lumapit si Ella sa kanya at nagpakandong sa binti niya. While Crumbles went back to playing with her dolls. 

"Hi Papa! You're also here po! Dito rin po ba work mo?" Curious na tanong nito sa kanya. He pinched her cheeks before answering, "Yes baby. I work here. Kayo? What are you doing here?"

"Gala kami nila Daddy Jandro po eh. Kaso may tawag sa kanya marami po, kaya here kami saglit." She beamed. "Papa, busy ka po ba?" He shook his head. "No, why baby?"

Ella sweetly smiled at her, "may utang ka po sakin na tour papa!" Tumatawang paalala nito sa kanya. He promised to bring her to his office before. 

Inaya na niya ang dalawa na sumama sa kanya kaso nagpaiwan si Crumbles. Ibinili na lang ni Zefran si manager ni Jandro ito at sinabihan na babalik din sila agad. 

Dinala ni Zef si Ella sa mga studio na walang tao para hindi sila makaistorbo. Tuwang tuwa ito lalo na at bago sa paningin niya ang paligid. Nang matapos sila sa pag-ikot ay nag request ito na makita ang opisina niya. 

Binuhat na niya ito at sumakay na sila ng elevator. Napangiti rin siya ng maalala na baka nakabalik na si Naya. 

"I will introduce you to someone special, baby," nakangiting sabi ni Zef kay Ella.

Napakunot naman ang noo ni Ella. "Sino po, Papa? May ibang baby ka na po?" Malungkot na tanong nito. He chuckled then kissed her cheeks. "Wala po, you're my only baby. I'll introduce you to your future mama!" 

Napapalakpak naman si Ella sa tuwa. "Yehey! Dami ko na pong mommy and daddy!" Natawa naman siya sa reactiton ng bata. Isang floor na lang ay palabas na sila nang bumukas ang elevator at may mga empleyadong pumasok. Binati siya ng mga 'to at bumati rin kay Ella.

"Direk, anak mo? Carbon copy ah?"  Nakangiting sabi sa kanya ng isang lalaki. Nginitian lang niya ito at lumabas na sa elevator. 

Habang naglalakad ay hindi mawala sa isip niya ang sinabi nung lalaki. Napatitig tuloy siya sa mukha ni Ella at napansin niyang kamukha niya nga ito. Pareho sila ng mata, ilong at ng labi. Kung titignan naman ang hugis ng mukha ng bata ay masasabi niyang kagaya ito sa mukha ni Naya. 

Pagbalik niya sa opisina ay wala pa si Naya. Pinaupo niya muna si Ella sa couch at inabutan ng tubig. 

"Baby, Papa has a question. Okay lang ba?" Ella looked at him and tilt her head while waiting for his next word.

"Who's.. Who's your mom?" Alanganing tanong niya. Ngayon niya lang din napansin na may pagkakahawig si Ella kay Naya, kaya pala sobrang pamilyar ang mukha nito noon. Humagikgik naman ito at tumakbo papunta sa bag niya ng biglang may kumatok.

Mabilis na tumakbo si Ella sa pinto at binuksan iyon.

"Omg mommy, you're here!"

Bigla nitong niyakap ang mga binti ni Naya. Bakas ang gulat at kaba sa mga mukha nito at halos mamutla na nang makitang siya ang kasama ni Ella. 

"Mommy? You have a child, Naya? Ella's your daughter?" Sunod-sunod na tanong ni Zefran kay Naya. 

Napapikit naman si Naya, "Oo Zef, anak ko si Ella." Napabuntong hininga ito, "Anak natin."

"What?"




Illicit Affairs (Alcantara #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon