88

90 4 1
                                    

Naya's POV

"Good morning, Manong!" Masayang bati ni Naya sa guard pagpasok niya.

Maganda ang gising ni Naya kahit pa napuyat siya sa kwentuhan nila ng anak kagabi. Simula ng pumayag siyang ipakilala ito sa ama ay ang dami na laging tanong ni Ella tungkol sa papa niya.

Masaya si Naya na makitang masaya ang anak pero kahit ganon ay may onting takot pa rin siyang nararamdaman. Hindi niya alam kung paano sasabihin, lalo na ang magiging reaction ni Zefran. 

Balak na sana niyang kausapin si Zefran ngayon but for some reasons, Zefran asked her to clear his schedule for today. Mayroon daw kasi itong importanteng bisita.

Hindi naman na siya nagtanong pa kung sino dahil palagi namang mga bigating artista o direktor ang mga kausap nito. 

Bandang alas tres ng hapon ay nakisuyo si Zefran sa kanyang bumili ng meryenda nila. Napakunot pa nga ang noo niya nung makitang puro pagkain pambata ang pinabili nito, but she shrugged her thoughts off and thought that maybe he's just craving for these kinds of food today.

Bigla niyang naalala ang anak. Kumain na kaya 'yon? Favorite pa naman niya 'to. She said to herself while waiting in line. Naisipan din niyang i-text bigla si Jandro kung kamusta na si Ella pero ilang minuto na nakakaraan wala pa ring reply ito. 

Pagbalik ni Naya ay rinig na rinig niya ang mga tawanan sa loob ng opisina ni Zefran. Napangiti siya ng marinig ang halak-halak ni Zefran. Ganyan ka sana kasaya palagi. 

Huminga muna siya nang malalim bago kumatok, pero nanlaki bigla ang mga mata niya sa gulat ng ang magbukas ng pinto ay ang anak niyang si Ella. 

"Omg mommy, you're here po!"

Illicit Affairs (Alcantara #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon