46

153 4 0
                                        

[ 46 ]

Flashback: 6 years ago, months after Naya and Zef's break up.

~

Nagpunta si Naya sa isang bagong bukas na karinderia malapit sa apartment na nilipatan niya. Wala pa siyang gamit na nabili kaya naisipan niyang lumabas pagkatapos magkulong ng ilang araw. She's been craving for burgers kahit na alam niyang healthy foods dapat ang kinakain niya para sa baby, kaso ayun ang hanap niya eh, ayun lang din ang gusto niyang kainin. 

Naupo si Naya sa pinakadulo pagkatapos umorder ng pagkain. She faintly smiled and held her tummy. 

"Anak, sorry ah? Nag-c'crave kasi si Mama ng burger eh. Promise iinom ako ng milk natin mamaya." Napangiti siya ng maramdamang sumipa ang anak sa loob niya. It's been 5 months since her parents found out that she was pregnant, they disowned her for being a disgrace to their family. Galit na galit ang mga magulang niya, lalo na ang Dad niyang may balak tumakbo sa pagka-Mayor sa lugar nila. 

They threw her out. They even said that she should forget about them, kalimutan na lang daw niyang parte siya ng pamilya. Wala naman daw kasi itong ibang ginawa kundi magdala ng kahihiyan.

Matagal naman na niyang alam 'yon. Growing up that's all she hears from her parents. That she's a disappointment. She sighed. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang umiyak tuwing maalala niya kung paano siya pinagtabuyan ng mga ito. 

'I thought family is the first people who will support you. The first people who will understand you.'  Naya said to herself while gently caressing her tummy, she took a deep breath before wiping off her tears. 

"Ano ba Naya, hindi ka dapat malungkot okay? Bawal ang bad vibes, dapat happy lang!" She encourages herself more. 

Maya-maya pa ay dumating na rin ang pagkain niya at nag-simula na siyang kumain. Nang makita ni Naya ang pagkain na hinahanap-hanap niya ay nakalimutan niya saglit ang lungkot.

Patapos na siyang kumain nang biglang may umupo sa harapan niya. 

"Jandro! Anong ginagawa mo rito?" Nauutal niyang tanong sa lalaki.

He smiled. "Keinaia, right? Ikaw 'yung girlfriend ng Kuya ko."

Naya cleared her throat and tried to smile a little. "Oo na hindi. Oo ako si Keinaia but you can call me Naya and hindi, hiwalay na kami ni Zefran." Sunod-sunod na sabi niya rito.

"Hiwalay? Bakit? Suot mo pa nga 'yung singsing na bigay niya," nakaismid na tanong ni Jandro sa kanya. Dahan-dahang ibinaba ni Naya ang kamay niya at bahagyang itinago ang singsing.

Natawa si Jandro ng makitang aligaga at patingin-tingin sa paligid si Naya.

"'Wag kang mag-alala, hindi ko kasama ang Kuya ko." Naiiling na sabi nito na ikinaluwag naman ng paghinga ni Naya. "Kanina pa kita pinagmamasdan. Narinig ko 'yung mga sinabi mo kanina, buntis ka? Sa Kuya ko ba?" 

"Uhm, ano.. Oo," sagot ni Naya at 'di niya napagilang mapahikbi.

Nagpanic naman agad si Jandro at inabutan siya ng panyo, "Hala! Oy, oy! 'Wag kang umiyak! Baka sabihin nila pinapaiyak kita!" Natatarantang sabi niya rito habang pilit na inaabot ang panyo niya.

"Sorry, hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh."

Napakunot ang noo ni Jandro. "Hindi alam ni Kuya? Wala kang balak sabihin sa kanya?"

Napailing si Naya habang nagpupunas ng luha, "Ayoko na siyang guluhin."

"What makes you think na magugulo mo siya? Hindi mo ba alam, ikaw ang mundo non!"

Naya smiled faintly. "I know, alam ko naman 'yon. Lagi niyang sinasabi 'yan pero nag-sisimula pa lang siya. I don't want him to carry the burdeng of providing for us."

"Hindi naman sa mayabang ako, Naya ah. Hindi ko rin pinagmamalaki, pero may kaya naman kami. May kanya-kanya kaming savings. Si Kuya? Baka nga simula nung nakilala ka non, nakapag-ipon na 'yon!"

"Kahit na, wala naman sa plano niya maging tatay ng maaga. Ang gusto niya maging direktor, gumawa ng mga magagandang pelikula."

Napailing si Jandro sa sinabi ni Naya. "You're making decisions for my brother. Sana 'wag mo siyang pangunahan."

Hindi agad nakaimik si Naya. Tama naman si Jandro, hindi nga naman niya alam kung ano magiging desisyon ni Zefran pero heto siya't nag dedesisyon mag-isa para sa kanilang dalawa. 

Ang unfair niya ba para itago ang bata? Siguro nga unfair siya, but she had too many rejections from the people she loves. Ayaw na niyang madagdagan pa ang mga taong ipagtatabuyan siya, hangga't maaga siya na lang ang lalayo. Mas mabuti pa 'yon. 

"But okay, kung ayan ang desisyon mo, I'll respect that," dugtong pa nito.

"Thank you, Jandro." 



Illicit Affairs (Alcantara #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon