Tori's POV
"Steph, mauubos mo ba ang lahat ng iyan?" Singit ko habang binabanggit nitong kasama ko ang order nya sa waiter.
Paano ba naman kulang na lang sabihin nyang we'll get everything on the menu. Nakaupo sya sa harap ko ngayon. For the first time ay nagpasama sya sa'kin sa training nya. By training, I mean dun sa kanyang judo class.
"Hindi." Maikling sagot nito bago nagpatuloy sa pagsasabi ng mga pangalan ng pagkain. Nang matapos ay nagbaling ito ng tingin sa akin. "Pero ikaw, kaya mong ubusin. Baka nagutom ka kakahintay kanina." Binigyan nya ako ng matamis na ngiti na halos magpa roll ng aking mata.
Kilalang-kilala ko na ang babaeng ito. May kailangan na naman yan. Si Steph kasi iyong tipong mahilig magbigay ng suhol. Kapag ganitong halos orderin na lahat ng nasa menu ay dalawa lang ang ibig sabihin. Una, nagpapasalamat sya sa ginawa mong pabor. At ang pangalawa, may ipapagawa na naman syang pabor ulit. Nakabawi na sya sa mga pinagawa nya sa'kin nung nakaraan kaya hindi ang unang nabanggit ang rason ng pagiging mabait nito ngayon.
Matalino si Steph kaya kukunin nya muna ang kiliti mo bago samantalahin iyon. Yung mga tao talagang may maamong mukha ang nakakatakot. Hindi mo alam kung likas ba talagang mabait o kung nagbabalat-kayong demonyo. Mga scammer. Kawawa naman ang magiging asawa nito dahil siguradong magiging under. Understanding.
Sumandal ako sa kinauupuan bago nag-cross ng arms. Mataman ko siyang tinitigan sa mata. Nakipagtitigan naman ito nang buong kumpyansa. Nagbaba ako ng tingin kaya naman marahan itong tumawa.
"Anong kailangan mo, Steph?" Napabuntong hininga na lang ako sa babaeng ito.
Lumapad ang kanyang ngiti sa narinig. Nilagay nya ang kanyang mga kamay sa mukha at tinitigan lang ang aking kabuuan. Mukhang hindi na naman maganda ang plano ng babaeng ito.
"I need to attend a wedding." Panimula nito.
Nakita ko ang pagbago ng ekspresyon ng mukha niya at ang lungkot sa mga mata. Ilang segundo rin syang natahimik. Oh, di ba? Kanina parang birthday nya sa sobrang gaan ng aura tapos biglang shift sa semana santa. May topak talaga ang babaeng ito. Nakita ko rin kung paano nya pinipigilan ang kanyang luha. Ipupusta ko ang orange juice na nasa harapan ko, kasal nung lalaking iniyakan nya sa bar ang pupuntahan nito.
"Gusto mong kidnapin natin ang bride?" Kunwaring suhestyon ko sa seryosong tinig.
"Oo." Seryosong sagot nito na nakatitig sa akin.
Halos maibuga ko sa kanya ang orange juice na iniinom ko. Anak ng kabayo! Mabilis kong naibaba ang baso at mukhang napalakas ata ang hampas ng kamay ko sa mesa. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao dito sa resto.
"Seryoso ka ba?!" Mariin pero mahinang tanong ko dito sa kaharap ko na tumatawa lang matapos akong abutan ng tissue.
"Well, I was about to suggest sana na samahan mo ako. Be my plus one dun but you got a better idea so, why not?" Kibit-balikat na sagot nito.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko ito. Nahihibang na talaga. Tsk.
"Sige, sasamahan kita." Pagpayag ko matapos makabawi sa pagkasamid.
Dun din naman ang punta ng usapan namin. It's not as if pwede kong tanggihan ang babaeng 'to. Baka mamaya ay sisigaw pa 'to ng itigil ang kasal dun. Magdadala na lang siguro ako ng panyo na may nakalagay na pampatulog para hindi mag-eskandalo ito sa mismong araw ng kasal. Napaka-unpredictable kasi ni Steph minsan pero mabait naman ito. Kapag tulog.
"Yehey! Thank you, Tori." Masiglang pasasalamat nito na akala mo naman gusto nyang pumunta dun sa kasal.
Well, at least ngayon ay may kasama na syang ayaw ring dumalo sa okasyon na yun. Misery loves company ika nga nila. Hindi naman ako miserable sa ngayon pero para dito sa kaibigan kong ito, sige na lang.
BINABASA MO ANG
Last-Minute Changes (2nd)
RomanceTotoo pala na sa isang iglap ay pwedeng bumaliktad ang mundo ng isang tao. Yung dating mahirap ay pwedeng maging mayaman. Yung dating laro ay pwedeng maging totoo. Yung dating ikaw ay pwedeng magbago. Si Tori ay isang dalagang pilit iniiwasan ang mu...