Chapter 3

6.8K 233 44
                                    

Tori's POV

"Class, deadline of your drawing plates will be on Monday."

Pag-announce ni Sir. Francisco. Pangatlong subject na namin 'to sa kanya simula nung freshman year. Siya yung professor na mahilig magpagawa ng sangkatirbang drawing plates tapos maikli lang ang oras na ibibigay.

"Sir naman. Ngayon ninyo lang binigay tapos sa Monday na agad ang deadline. Baka naman pwedeng sa Friday na lang? May drawing plates pa kameng due sa ibang subjects." Reklamo ni Ian na kakamut-kamot pa sa ulo.

"Oo nga naman, Sir. Happy Friday rin ngayon. Dapat wala munang drawing plates." Pagsuporta naman ni Mike na nag fist bump pa kay Ian.

"Oo nga, Sir." Sabay-sabay na sabi ng mga kaklase ko.

Kahit ako man ay nahihirapan sa subject nitong si Sir Francisco. Wala na namang tulugan 'to. Tahimik lang ako dahil sanay na ako rito kay Sir. Inaasahan ko na rin ang isasagot niya.

"Boys, boys--" Umpisa niya bago tumingin sa likod kung saan kame nakaupo ni Steph. "and ladies. You can get wasted all you want tonight. That's not a problem. Just make sure to submit five drawing plates on Monday. Class dismissed."

Yun lang at umalis na Sir Francisco sa room. Sabay-sabay kameng napadaing sa badtrip. Kinuha ko na ang bag ko nang hawakan ako ni Steph sa braso.

"May problema ba?" Tanong ko sa kanya.

Halata sa mukha niya ang pagdadalawang-isip bago naglabas ng isang folder. "Pwede bang humingi ng huge favor sa'yo, Tori?"

"Ano yun?" 

"Pwedeng pakidala 'to sa Office of the Student Council President? Bigay mo kay Louisse at hintayin mo yung comments niya. Deadline kasi ng budget ngayon eh ngayong hapon ko lang nakuha yung approval ni Dean para sa ibang activities. Sorry talaga, Tori. Ako sana ang magbibigay sa kanya nito kaso may flight ako papuntang Cebu. Birthday ni Mamita ngayon. Kung hindi ako aalis agad, baka maiwan ako ng flight at hindi makahabol sa dinner. Ayoko namang magtampo si Mamita sa'kin."

"Steph, pwede bang iba na lang ang magdala nito?" Tanggi ko dahil hangga't maaari ay ayokong umapak sa pugad ng mga elitistang yun.

"Kailangan kasi 'tong personal na maibigay sa kanya ngayon. Kung hindi ay baka yung last year budget ang gamitin nilang default. Kukulangin tayo ng pera pagdating ng Sports Festival. Tori, please. Promise babawi ako sa'yo pagbalik ko. Kung gusto mo ay ako na ang gagawa ng drawing plates mo. Basta gawin mo lang 'tong favor, please. Please Tori."

"Hay. May magagawa pa ba tayo? Akin na." Lahad ko ng kamay ko para kunin ang folder.

"Oh my God! Thank you so much, Tori!" Biglang yakap sa'kin ni Steph na talo pa ang nanalo sa lotto.

"Sige na. Baka mahuli ka pa sa flight." Pagtataboy ko sa kanya para kumalas na siya. Pinipiga na kasi niya ang buto ko.

"Babawi ako promise." Masiglang sabi ni Steph bago dali-daling lumabas ng room.

Nilagay ko sa loob ng backpack ang folder dahil may dala pa akong drawing tube storage. Pumunta na rin ako sa Student Council Office pero pagdating ko ay nasa meeting pa raw ang President. Pinapahintay nila ako sa reception area pero pinili kong maghintay sa labas. Papalubog na rin ang araw. Ang ganda ng sunset view mula dito. Kinuha ko muna ang cellphone ko bago kinunan ng litrato ang papalubog na araw.

 Kinuha ko muna ang cellphone ko bago kinunan ng litrato ang papalubog na araw

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Last-Minute Changes (2nd)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon