Tori's POV
Nasa drawing room ako at gumagawa ng drawing plates pampalipas oras. Haba kasi ng vacant ko at wala si Steph. Nagmamadaling umalis pagkatapos ng klase namin dahil may lakad daw siya. Ewan ko ba dun sa babaeng yun. Kung saan-saan nagsusuot nitong mga nakaraang araw. May dalawang oras pa ako bago magsisimula ang huling subject ko para sa araw na'to.
Dahil mag-isa ko lang dito sa drawing room ay naka-speaker mode ang phone ko. Playlist ng Eraserheads ang nakasalang. Wala lang. Gusto ko lang ng Pinoy music ngayon. May free wifi rin sa campus kaya walang problema sa internet connection. Pero mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone kapag nasa klase. Yun ang nakasaad sa Student Handbook pero syempre, hindi naman kame mga bata na sobrang masunurin. Madalas ay sinusuway yung alituntunin na yun lalo na sa klase ng mga nakakabagot na professors. Kung mayroong walang pakialam, meron namang sobrang strikto. Kapag bawal, bawal.
Narinig ko na may notification ako sa Viber. Yan at Messenger lang ako meron. Wala akong Twitter at Instagram. Yung Facebook naman ay deactivated ko na. Hindi talaga ako mahilig sa social media. Alam kong makabagong panahon na pero mas gusto ko pa rin ang pribadong buhay. Mahilig ako sa digital art, painting at drawing. Yan ang pinagkakaabalahan ko kapag may oras at inspired ako.
Tumigil ako sa ginagawa ko at kinuha ang phone. Tiningnan ko ang message. Kunot-noot ko itong binuksan. Galing kay Louisse.
hi
i'm bored
Tiningnan ko lang ang message. Alam kong nakikita naman niya na nabasa ko yun. Eh, ano naman ang gagawin ko kung bored siya? Magpagulong-gulong dito para maaliw siya?
are you alone?
Hindi pa rin ako sumagot. Parang alam ko ang ganitong mga linyahan. Hindi maganda ang patutunguhan nito.
i'll send you nudes
Bigla atang nabuhay lahat ng dugo ko sa katawan. Sobrang unpredictable nitong babaeng 'to. Ang daming alam na kalokohan. Hindi ko alam pero bakit parang na-eexcite ako na kinakabahan. Bago pa ako maunahan ng tawag ng kahalayan ay nagreply na ako.
Kasama ko Steph.
Pagsisinungaling ko.
liar
Teka. Paano naman niya nalaman? Lumingon ako kung nasa paligid ba siya pero wala naman. Wala ring CCTV sa loob ng drawing room dahil nasa labas yun naka-install. Kahit nakabukas pa ang mga bintana ay sigurado akong hindi ako makikita sa labas. Nasa gitna ako nakapwesto eh.
i'll send them now
Bago pa niya matuloy ang balak ay inunahan ko na. Nagmamadaling nagreply ako.
DON'T
Ayan naka-capslock para intense.
Seryoso ako, Louisse. Huwag.
Pero bago pa niya mabasa yung huli kong message ay may dumating na na picture. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang hindi naman yun pang-porn na level.
BINABASA MO ANG
Last-Minute Changes (2nd)
RomanceTotoo pala na sa isang iglap ay pwedeng bumaliktad ang mundo ng isang tao. Yung dating mahirap ay pwedeng maging mayaman. Yung dating laro ay pwedeng maging totoo. Yung dating ikaw ay pwedeng magbago. Si Tori ay isang dalagang pilit iniiwasan ang mu...