Chapter 14

4.2K 156 8
                                    

Tori's POV

Araw na ng graduation ceremony namin. Si Mama lang ang sumama sa'kin. Naka-schedule na talaga syang umuwi para dito pero isang linggo lang dahil babalik rin sya ulit sa trabaho. Hindi na sumama sina Lolo at Lola sa venue dahil pinili na lamang nila na sa bahay na lang maghintay. May mga ibang kamag-anak rin kasi kaming dadalo.

Dalawang guests lang ang pwedeng dalhin ng mga candidates for graduation kaya karamihan sa mga nandito ay puro mga magulang ang kasama. Alas diyes magsisimula ang pagmamartsa. May mahigit tatlumpong minuto pa ang natitira kaya halos lahat ay andito pa sa sa field at hindi pa pumapasok sa venue.

"Ma, ayos na po yang hood. Hindi na po yan matatanggal." Natatawang saway ko sa Mama ko na kanina pa inaayos ang suot ko.

"Mabuti na ang nakakasigurado, anak. Para hindi malaglag kapag magmamartsa na tayo mamaya." Sabay muling sipat sa suot ko. Naka safety pin naman kaya ewan ko dito sa Mama ko kung bakit aligaga.

Kanina pa ako palinga-linga dahil hindi ko pa nakikita si Steph. Huwag lang sanang ma-late ang babaeng yun dahil sa unahan sya mag-mamartsa kasunod ng faculty. Si Steph ang Class Valedictorian ng batch namin. Effortlessly intelligent. Nagtalaga siya ng bagong rekord sa kasaysayan dahil sa sobrang taas ng GPA nya. Kaya naman proud na proud ako sa bestfriend kong iyon.

Lumapad ang ngiti ko nang makita syang lakad-takbo papunta sa direksyon ko buhat buhat ang toga nya. Hindi alintana ang mataas na high-heeled shoes na suot. Akala ko ay sasalubungin nya ako ng yakap pero para kay Mama pala ang excitement nya.

"Titaaa!" Malayo pang tawag nya bago yakapin si Mama nang mahigpit. "Mabuti naman po ang nandito kayo."

Tinugon naman ni Mama ang kanyang yakap bago sya halikan nito sa pisngi. Halata ang galak sa mga mata nang makita si Steph. Eh di sila na ang bff.

"Oo naman, hija. Congratulations nga pala. Summa Cum Laude at Class Valedictorian. Ang swerte swerte ng mga magulang mo sa'yo, hija." Magiliw na wika ni Mama habang sapo sapo ang balikat ni Steph. "Maraming salamat sa pag gabay dito sa anak ko ha."

"Maraming salamat po, Tita." Medyo nahihiyang tugon ni Steph na sumulyap sa akin at ngumiti. Tumango lamang ako. "Swerte rin po kayo dyan sa bestfriend ko. Summa Cum Laude rin naman po sya. Nalamangan ko lang nang maraming swerte kaya ako ang Class Valedictorian."

"Tsk. Yabang." Pabulong na sambit ko kaya napalingon si Mama. Narinig nya pala kaya tiningnan ako nang may pananaway.

"Huwag mo ng pansinin yang anak ko, hija." Hingi ni Mama ng paumanhin kaya nginisian ako ni Steph na umakbay pa kay Mama para ipamukha sa akin na siya ang kinakampihan nito. Syempre mas matangkad sya dito kasi average Filipina height lang si Mama. 

"Okay lang po. Sanay na ako sa pagsusungit nyan." Natawa pa ito kaya halos mag roll ako ng eyes pero hindi ko na ginawa. Baka hampasin ako ni Mama lalo na't andito ang paborito nyang anak.

"Ay, hija. Asan na ang mga magulang mo? Ilang minuto na lang ay magsisimula na tayo." Nag-aalalang tanong ni Mama.

Dun naman parang may biglang naalala si Steph. Oh tingnan mo ito, pati magulang nakalimutan.

"Ah, andito na po sila. Kanina pa. Medyo na-late lang po ako kasi biglaang nag-cancel ang make up artist ko. Naaksidente po kasi sa daan." Pagkukwento nito pero mabilis namang nagpatuloy nang makita ang pag-aalala sa mukha ni Mama. "Pero hindi naman po malala kaso kailangan lang nila magbigay ng testimonya para sa incident report."

"Mabuti naman kung ganun. Hala, sige. Tawagan mo na ang mga magulang mo at nang maayos mo na yang toga mo." Pagtataboy pa ni Mama kay Steph dahil mukhang walang balak umalis ang gaga.

Last-Minute Changes (2nd)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon