Chapter 10

4.6K 184 6
                                    

Tori's POV

Naghahanda ako ng almusal nang tumunog ang laptop ko. Si Mama. Inaasahan ko na rin yun dahil lagi itong tumatawag kapag weekend para mangamusta. Pasado alas diyes na ng umaga ako nagising dahil madaling araw na rin nang dalawin ako ng antok. Mukhang tulog pa si Louisse. Hindi ko na ginising nung bumaba ako kanina. Isinalin ko muna ang niluto kong itlog sa plato bago sinagot ang tawag. Video call.

"Magandang umaga, Ma." Bati ko nang bumungad ang malapad na ngiti ni Mama sa screen.

Advance ng ilang oras ang Pilipinas sa London. Pasado alas dos pa lang ng umaga dun.

"Magandang umaga, anak. Nahuli ka yata ng gising, anak?" Tanong ni Mama habang nag-aayos ng gamit.

Mukhang kagagaling lang nito sa duty dahil nakasuot pa ng uniporme.

"Napagod po kagabi, Ma. Benefactors' Gala Night po namin."

Napansin ko ang pagpasok ni Louisse na nakasuot lamang ng pajama ko. Halatang mas malaki nga sa kanya ang suot kasi kinailangan nya pang tupiin ang dulo ng pants.

Sinenyasan ko syang maupo muna.

"Kamusta naman, anak? Nakilala mo na ba ang sponsor mo?" Tanong ni Mama na tila ba na-excite.

"Opo, Ma. Yung Papa po ni Steph." Maikling sagot ko bago lapitan si Louisse.

Nakatalikod sa kanya ang camera kaya hindi kita ni Mama. Lumapit muna ako para gawaran sya ng halik sa noo. Kinuha ko ang dalawang plato na naglalaman ng mainit na pandesal at itlog na niluto ko kanina at nilagay ang mga iyon sa kanyang harapan.

"Good morning. Tinapay at itlog lang ang meron sa ref. Mamaya pa ako pupunta sa grocery. Gusto mo ba ng kape?" Napakamot ako sa tenga ko. "Kaso 3-in-1 lang ako meron eh." Napangiwi ako sa sinabi.

"Good morning, too. I'm fine with anything, Tori." Hinawakan nya ang aking kamay bago ako binigyan ng ngiti.

Kung ganyang mukha ba naman ang bubungad sa'yo araw-araw, siguradong gaganahan ka talagang simulan ang iyong umaga. Ika nga nitong kape na tinitimpla ko ay para saan ka bumabangon? Mukhang may panibago nga akong rason para harapin ang hamon ng naghihintay na umaga.

At dahil abala ako sa kakaasikaso kay Louisse ay nakalimutan ko na si Mama.

"Anak? Anak, andyan ka pa ba?" Untag ni Mama kaya napasapo ako sa aking noo. Narinig ko ang pagpipigil ng tawa ni Louisse na abala sa paghihiwa ng itlog na akala mo ay nasa fine dining.

"Opo, Ma. Sorry. Ano nga ho yung sinasabi ninyo?" Kinuha ko ang laptop at umupo sa harap ni Louisse.

"Sabi ko kako ay ang bait ng pamilya ng batang iyan. Nabanggit ba nya sa iyo na dumalaw siya dito sa'kin sa ospital nung nakaraang buwan?"

"Po?" Takang tanong ko.

Pumunta si Steph sa London nung summer break? Sa bagay, medyo pribado rin kasi ang buhay ng babaeng yun. Hindi rin naman ako nagtatanong kaya siguro hindi na nya nasabi.

"Pumunta kako rito yung kaibigan mong si Stephanie. Naku anak ang daming dala na produkto ng Pinas dito. Kung hindi lang yun babae ay iisipin kong manliligaw mo." Tuwang-tuwa na sambit ni Mama.

Narinig ko na parang nasamid ata si Louisse sa kinakain. Mabilis naman nitong inabot ang kape para lamang mapangiwi sa lasa. Pero mabilis naman itong ngumiti nang matamis nang makita na nakatingin ako sa kanya. Mukhang first time nyang makainom ng 3-in-1. Hindi na ako nagulat. Nag-iwas ako ng tingin dahil namumula na ang leeg nya. Baka mas lalo pang ma-awkward kung malaman nyang nakita ko ang reaksyon nya sa kape.

"Nakikita mo itong peanut butter na binibenta ng kumare ko, aba'y mukhang dumayo pa ata ng Baguio yang si Steph para lang bumili nito. Anim ang dala, anak. Napakabait talaga ng batang yan. Napakaswerte ng mapapangasawa." Pagpapatuloy ni Mama na mukhang hindi narinig ang pag-ubo ni Louisse kanina.

Last-Minute Changes (2nd)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon