Tori's POV
Naging abala ako sa sumunod na mga buwan. Lahat ng atensyon ko ay napunta sa pagrereview. Sa sobrang focused nga ay madalas ko ng nakakaligtaan ang kumain. Mabuti na lamang at binabantayan ni Mama ang oras ko. Kahit magkaiba ang aming timezone ay on time naman itong tumatawag sa telepono para ipaalala sa akin na oras na para kumain.
Hindi ko namalayan ang paglipas ng panahon. Naramdaman ko na lang na huling araw na ng tatlong araw na pagsusulit. Civil Engineering Licensure Examination Day 3, done! Walong oras din na exam yun kaya naman drained na drained na ang utak at lakas ko. Nasa ibang school assigned si Steph kaya hindi kami sabay.
Naglakad lakad pa ako para makahanap ng masasakyan. Wala akong dalang cellphone para magbook sana ng Grab. May kalayuan din yung school assigned sa akin mula sa bahay. Nang lumiko ako sa isang eskinita ay bigla na lang may puting van na huminto para harangan ako. Bigla akong kinabahan dahil ganitong ganito ang napapabalita ngayon na gimik ng mga kidnapper. Shit. Nagsisisi tuloy ako kung bakit dito ako sa may shortcut dumaan.
Kagaya nga ng inaasahan ay may lumabas na tatlong lalaki na may malalaking katawan. Nakasuot ang mga ito ng face mask at natatakpan naman ang ulo ng itim na sombrero. Mabilis na tumalima ang mga ito para hawakan ako. Mabuti na lamang at may presence of mind pa ako dahil mabilis akong nakatakbo palayo. Dulot na rin siguro ng adrenaline rush kaya hindi nila ako mahuli huli. Hihinga na sana ako nang maluwag dahil malapit na ako sa may labasan pero agad namang naudlot ang maikli kong selebrasyon dahil may isang puting van ang biglang tumigil sa harapan ko.
Ano ba namang buhay ito?!
Huli na para mag-iba ako ng direksyon dahil may dalawang lalaki na pareho ang porma ang lumabas doon. Kahit ganun ay sinubukan ko pa ring tumakas pero nakahabol na pala yung tatlong mokong na tinakasan ko kanina. Wala na. Napapalibutan na nila ako.
Mabibigat ang kamay na nahawakan ako ng dalawa sa balikat. Kahit anong pagpupumiglas ko ay walang epekto. Ang lakas nila! Ang payat payat ko na nga, pagod pa ako. Kung minamalas ka nga naman. Kung hindi natin madadala sa pisikalan, baka naman pwedeng dalhin sa matinong usapan? Susubukan ko na lang makiusap sa mga anak ni Judas na 'to.
"Sir, wala po kaming pera. Mahirap lang po kami." Pakiusap ko habang patuloy na nagpupumiglas dahil papasok na kami sa loob ng van.
Sana lang ay hindi ito mga miyembro ng sindikato na sangkot sa human trafficking na madalas mapabalita sa telebisyon. Kapag nagkataon, baka lahat ng organs ko ay ibenta sa black market. Bata pa ang lungs ko. Huwag naman sana, Lord.
"Tumigil ka!" Nakakatakot na utos nung isang may hawak sa aking kanang balikat. "Kung hindi ka titigil ay makakatikim ka na sa akin."
Pero never say die ako. Bahala na. Baka naman umobra.
"Tingnan niyo nga ang payat payat ko oh." Nagpapa-awa na protesta ko. "Iba na lang ang kidnapin ninyo. Walang pan ransom ang nanay ko. Wala rin akong tatay, mga Sir."
Mukhang kahit sa totoong buhay ay hindi talaga gumagana ang ganung pakiusap sa mga kidnapper dahil sinuntok ako sa sikmura nung kumag na high blood kanina. Tinakasan ako ng hininga dahil sa sakit nun. Matapos akong ibalibag sa loob ng sasakyan ay muli akong tinadyakan sa tagiliran. Napipilipit na napahawak ako sa nasaktang bahagi ng katawan. Sinabunutan ako sa buhok para iangat ang aking mukha.
"Subukan mong sumigaw at hindi lang yan ang aabutin mo." Nakita ko ang baril na hawak nito.
Akala ko ay gagamitin niya lang iyong panakot sa akin subalit ginamit niya ang hawakan nun panghampas sa aking ulo. Sa sobrang sakit ay naramdaman ko na lang na nilamon na ako ng dilim.
Nagising ako nang maramdaman ang nagyeyelong tubig sa aking mukha. Sandali pa akong nagbukas-mulat ng mata para bumalik ang aking diwa. Napatingin ako sa paligid ko at muli na namang pinasok ng kaba ang aking dibdib. Nasa isang malaki pero maduming lugar ako. Ang daming sako na parang lalagyan ng bigas. Ang baho din ng lugar na tila ba matagal ng hindi nalilinisan. Abandonadong warehouse. Cliché.
BINABASA MO ANG
Last-Minute Changes (2nd)
RomansaTotoo pala na sa isang iglap ay pwedeng bumaliktad ang mundo ng isang tao. Yung dating mahirap ay pwedeng maging mayaman. Yung dating laro ay pwedeng maging totoo. Yung dating ikaw ay pwedeng magbago. Si Tori ay isang dalagang pilit iniiwasan ang mu...