Chapter 25

4.5K 156 27
                                    

Tori's POV

"Argh." Napadaing ako sa sobrang sakit ng ulo.

Parang gusto ko na lang bumalik sa pagtulog pero may unggoy na tumatalon-talon sa aking likod habang nakadapa ako sa kama. Sa susunod ay magla-lock na ako ng pintuan kapag uuwi ako galing inuman. May double lock naman itong kwarto. Hindi magandang combination sa hangover ang maingay niyang bibig.

"Tita, wakey! wakey!" Masiglang bati nito. "Good morning!" Ang taas ng energy.

Sige, enjoy mo lang yan, pamangkin. Paglaki mo ay pagod ka na rin kahit na kagigising mo pa lang.

"It's Saturday!" Hindi nauubusang energy na lahad niya.

"Oh, tapos?" Kinuha ko ang unan para itakip sa aking tainga. Para siyang nakalunok ng speakers.

"I'm going to prepare our breakfast!" Kinuha niya ang unan mula sa aking tainga bago nananadyang sumigaw doon.

"Oh, anong gagawin ko?" Mas isinubsob ko pa ang aking noo sa unan. Mas sumasakit ang ulo ko.

"You're going to watch me!"

Napapikit ako nang madiin bago magbuga ng hangin. Patience. Patience. Patience. May stocks pa naman kami ng corned beef. Hindi ko pa siya kailangang ipagiling sa magkakarne.

"Come on, Tita! You smell bad. Hurry up and take a shower." Tumayo na siya at hinila ang likod ng damit ko. "Tita, you're heavy. Come on."

Si Callie yung may pinakamaarteng ilong sa amin. Maliban sa gulay ay ayaw na ayaw rin niya sa mabaho. Basta-basta na lang siyang magtatakip ng ilong kapag hindi niya gusto ang perfume ni Ate. Hindi nga namin matukoy ang definition niya ng mabaho dahil minsan kahit pagkain ay ayaw niya ng amoy.

"Five minutes." Bargain ko sa kanya.

"No, Tita. Stop being heavy." Sinusubukan niya talaga akong kaladkarin paalis sa kama. Mas lalo ko namang pinabigat ang aking sarili.

"Fine." Pagsuko niya at binitawan na rin ang aking damit. Palihim akong napangiti. 

"I'll just tell Mommy that you're giving me chocolates which are very bad for my teeth." Binigyan diin niya pa ang ilang kataga doon.

Buhat sa narinig ay mabilis akong napabalikwas at tinakpan ang kanyang madaldal na bunganga. Napatingin pa ako sa pintuan para makasiguradong walang ibang nakarinig sa kanyang sinabi. Nakahinga ako nang maluwag nang malaman na kaming dalawa lang ang nasa kwarto.

Hindi naman kasi ganun talaga ang nangyari. May dagdag-bawas lang sa kwento nitong asungot na 'to. Binibigyan ko siya ng chocolates kasi gusto daw niyang bigyan yung kaibigan niya. Ayaw na siyang bigyan ni Ate Cass dahil nagiging hyper siya. Kahit gabi kasi ay lumalapang siya ng chocolates. Idagdag mo pa na sumakit ang kanyang ngipin nung napabayaan sa kakain ng tsokolate. Spoiled kasi talaga siya kay Ate pero dahil under nga si Ate sa asawa niya ay ako na ang naging supplier ni Callie. Hindi naman lagi. Kapag may baking class lang ang pamangkin ko.

"Then, I will tell your Mom that you have a crush on that boy in Chef Sky's class." Ganting-blackmail ko sa kanya.

Natatawa ako nang makita ang pamimilog ng kanyang mga mata bago mag-blush. Para na siyang kamatis na nabansot. Guilty. Akala niya siya lang ang may alas ha.

Dahan-dahan kong tinanggal ang aking kamay mula sa pagkakabusal sa kanyang bibig.

"Let's make another deal." Mabilis siyang tumango kaya napangiti ako. "You will not mention the chocolates to your Mommy Cass and I will not tell your Mom Zie about your crush. Deal?" Itinaas ko ang aking hinliliit to seal our agreement. 

Last-Minute Changes (2nd)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon