Tori's POV
Ilang beses na akong pabalik balik sa pagtulog. Ilang minuto lang ang naitatagal kong gising bago ako muling tangayin ng antok. Dahil siguro sa mga gamot na dumadaloy sa aking mga ugat.
Sa muli kong paggising ay tanging mga tunog lang ng monitor ang aking naririnig. Nasa ospital pa rin ako. Ilang araw na ba ako dito? Hindi ko na mabilang.
Napangiti ako nang makita ang isang babaeng nasa may kitchenette ng private room. Naghihiwa siya ng prutas para sa batang babaeng nakaharap sa akin. Hindi ko naaaninag ang kanyang mukha mula dito sa aking pwesto.
Namimilog ang mga matang tumitig sa akin ang bata nang mapansin na gising na ako.
"Tita, you're awake!" Nagmamadali itong pumunta sa aking tabi na nakataas pa ang dalawang kamay. "Up! Up! Up!"
Natatawang umiling ako dahil hindi pa kaya ng katawan kong magbuhat. Ni ang umupo nang mag-isa ay hindi ko pa ata magawa eh.
Sino kaya ang batang ito? May kahawig siya kaso hindi ko lang matandaan. Yung memorya ko ay naapektuhan ata ng gamot. Napasapo ako sa ulo.
"Tori, are you okay? Do you want me to call the doctor?" May pag-aalala sa tinig ng babae kaya nag-angat ako ng tingin.
Pamilyar ang boses.
"Mommy, what happened to Tita? Does she have a headache?" May pag-aalala sa tinig ng batang hindi ko kilala. "Mommy, let's call the doctor!"
"Steph?" Nalilitong tanong ko nang makita ang kanyang mukha.
"May masakit ba sa'yo?" Muling tanong niya at umupo na sa silya na nasa tabi ng aking kama.
Pero wala sa kanya ang aking atensyon. Nasa batang nakalabi at nagpipigil ng iyak. Nagtutubig na ang kanyang mga bilugang mata. Namumula na rin ang kanyang ilong. Napaka-pamilyar naman niya. Isang babaeng iyakin.
"Mommy, Tita is not speaking. Let's call the doctor, please?" Muling ungot nito at hinila na ang kamay ng kanyang Mama.
"Steph, sino ang batang iyan?" Kunot-noong tanong ko kay Steph na sinagot niya lang ng nagtatakang mukha.
Mataman niya akong sinuri bago huminga nang malalim.
"Tori, what is the date today?" Kababakasan ng pangamba ang kanyang tinig.
"I don't know about the exact date but it's still March, right? March of year 20xx," sagot ko.
Namutla siya sa narinig at napapikit.
"Jesus Christ! They didn't tell me that you have an amnesia," hindi makapaniwalang bulalas niya.
"Amnesia? Steph, nabaril ako hindi naaksidente. Paano ako magkakaroon ng amnesia kung malapit sa bituka ang tama ko. Literal," paglilinaw ko sa kanya.
"So, your memory went back that far?" Hindi makapaniwalang saad niya. "You had a minor car accident last week and I can't believe that you lost some of your memories. The doctor did not inform me about any of these when I came in this morning," himutok niya na napapisil pa sa ilong dahil sa stress.
"Steph, what's going on?" Kinakabahang tanong ko. "Nasaan si Louisse?"
Tumingin siya sa akin nang malungkot. May simpatya sa kanyang mga mata.
"Tori, listen to me-" Hindi pa siya natatapos magsalita ay sumabat na ako.
Hindi ko gusto ang nababasa ko sa kanyang itsura.
"Steph, nasaan si Louisse? Anong nangyari sa kanya?" Mariing tanong ko.
"Mommy, why is Tita angry at you?" Naiiyak na tanong ng bata na nagtatago na sa likod ng kanyang Mama.
BINABASA MO ANG
Last-Minute Changes (2nd)
RomanceTotoo pala na sa isang iglap ay pwedeng bumaliktad ang mundo ng isang tao. Yung dating mahirap ay pwedeng maging mayaman. Yung dating laro ay pwedeng maging totoo. Yung dating ikaw ay pwedeng magbago. Si Tori ay isang dalagang pilit iniiwasan ang mu...