Louisse's POV
Two months into the second semester and I already have my hands full. As the Student Council President, I have to prepare for the upcoming Benefactors' Gala. It is an annual event held where sponsors will finally meet their scholars who are in their last year in college. Nasa planning stage pa lang kame and I can already feel a headache coming. The truth is ayoko talagang tumakbo as Student Council President but my Dad forced me to. Para dagdag na rin daw sa experience ko. I'm taking Business Administration and Management and I'm on my last year. Kung tutuusin ay dapat focused na lang ako sa pag-aaral but Dad wants me to learn how to work under pressure. Kaya ito ako ngayon. May dagdag na responsibilidad sa balikat.
Kailangan kong makipag-coordinate sa mga event organizer at magpadala ng invitation ahead of time sa mga benefactors. Dapat one month before the event ay maipadala na 'to dahil karamihan sa kanila ay nasa ibang bansa naka-base. They can send their representatives but most of them prefer to meet their scholars personally. Para na rin kasi 'tong recruitment. Crème of the top students dahil lahat puro may sinabi ang utak. Mga graduating students rin ang dadalo. Kahit scholar sila ay choice pa rin nila kung saan sila magta-trabaho. Kaya naman yung ibang benefactors ay sumasadya talaga dito dahil may chances na pwede nilang makuha yung scholars ng ibang benefactor.
Para ring bidding ito. Lahat ng profile ng students ay matatanggap ng benefactors via e-mail. Dahil confidential ang information ay ako ang magpapadala. Piling information lang rin ang ipapadala namin. Kailangang secured at password protected ang mga ito. Mahirap na magkaroon ng data leakage lalo't kaligtasan rin nila ang nakasalalay. Para siguraduhing complete ang profile na ipapadala at updated ay isa-isa kong binubuksan ito. Nasa School of Engineering folder na ako. Binuksan ko ang isang PDF at bumungad sa akin ang litratro nung lalake na nabuhusan ni Vanessa ng coffee niya. Yung maldito na hindi man lang ako pinansin. How dare he? Hindi ako sanay na tinatrato nang ganoon lalo na't nagmagandang loob lang rin naman ako.
Uminom muna ako ng tsaa bago nagsimulang basahin ang kanyang profile. "You're cute. Pero suplado." Nasa unang page ako ng PDF kung saan picture niya lang ang nakalagay. "Let's see what's your full name, mister." Nag-scroll down ako at nakita ko ang pangalan niyang nakasulat sa bold letter.
Name: KIERA TORI GARCIA
"Well, Mr. Garcia, you should smile more." Binasa ko ang basic personal information at nagulat ako nung makita ko ang sex niya.
Sex: Female
"Female?" Binasa ko ulit at female nga. "But she doesn't look like one." Tinawag ko ang attention ng Secretary ng Student Council.
"Franco, are you sure this data is correct?" Turo ko dun sa screen ng laptop.
Lumapit si Franco sa likod ko at tiningnan ang nakasulat dun. "Yup. That's correct. Why?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"I thought she's a he." Tiningnan ko si Franco nang medyo naguguluhan bago muling nilipat sa picture ang view ko.
"No, honey. Tori is a woman. Matagal ko ng nililigawan yan kaso hard to get." Medyo nadidismayang sabi ni Franco.
BINABASA MO ANG
Last-Minute Changes (2nd)
RomanceTotoo pala na sa isang iglap ay pwedeng bumaliktad ang mundo ng isang tao. Yung dating mahirap ay pwedeng maging mayaman. Yung dating laro ay pwedeng maging totoo. Yung dating ikaw ay pwedeng magbago. Si Tori ay isang dalagang pilit iniiwasan ang mu...