Tori's POV
THREE YEARS LATER
Mabilis na dumaan ang mga taon. Grabe parang kailan lang ay kinakabahan pa akong sumakay ng eroplano paalis ng bansa. Ngayon naman ay papalapag na ang sinasakyan kong private plane. Wala namang naging aberya sa flight ko kaya ngayon ay papunta na kami sa bahay. Tutuloy pa rin ako sa mansyon nina Ate at ng kanyang asawa habang hindi pa ako nakakahanap ng lugar na titirhan. Sana pumayag si Ate na bumukod ako. Hindi ko pa kasi siya nakakausap tungkol dito.
I finished my master's degree as scheduled pero hindi ako agad umuwi sa Pilipinas. I started working sa isa sa mga companies na pagmamay-ari rin ng mga magulang ko. Iba pa rin kasi ang first hand experience kumpara sa mga itinuturo sa classroom setting. I think it was a good decision dahil marami akong natutunan.
Dahil sa bagong pangalang dala ko ay nakadaupang palad ko na ang mga tinaguriang legends sa construction industry. I even met the brilliant mind behind the famous Burj Khalifa in Dubai. In this world, sometimes it's not a matter of what you know but of who you know. Nepotism at its finest. Mahigit isang taon pa lang ako sa pagtatrabaho pero napasabak na ako sa mga malalaking proyekto. Hindi ko na matiyak ang rason sa likod nun. Dahil ba sa magaling ako o dahil sa koneksyon ng pamilya ko. Gayunpaman ay gusto kong ipagpatuloy ang aking nasimulan dito sa Pilipinas.
Ang mainit na klima ang sumalubong sa akin. Nasanay siguro ako sa malamig kaya naman kahit ilang minuto pa lamang akong andito ay nararamdaman ko na ang tagatak na pawis sa aking likod. Ayos lang. Makaka-adjust naman ulit tayo. There's still no place like home. Kahit saang lupalop ng mundo siguro ako mapadpad ay pipiliin ko pa ring umuwi dito. Ah! It has been three years. Pero ganun pa rin ang traffic sa Pinas.
Matapos magpahinga ng isang linggo ay sumabak na ako sa trabaho. Ako muna ang hahawak sa isang construction firm ng mga magulang ko. Gusto kong magtrabaho sa field kahit na ako ang top executive. Sorry but mere paperwork won't do it for me. Mas nag-eenjoy ako kung nakikita ko ang progreso ng pagtayo ng isang istruktura.
"Don't forget to use more sunscreen before going out, okay? Alam mo namang sobrang init dito sa Pilipinas. Drink more water din."
Kanina pa si Ate Cass naglilitanya habang naglalakad kami papasok sa isang restaurant. May ipapatayo kasing restaurant ang kanyang kakilala. Close friends daw ng family niya kaya ni-recommend na niya ako. Kapag nakuha ko ang deal ay ito ang magiging kauna-unahang project ko sa Pilipinas.
Lihim akong napaikot ng mata pero hindi naman yun halata dahil nakasuot ako ng shades. Sobrang sakit kasi sa mata ng sikat ng araw ngayon. Ang init init pa. Mabuti na lang at maganda itong resto. Kahit papaano ay nalalaban ng aircon yung init sa labas.
Hindi na ako nagulat nang marami ang lumingon sa aming direksyon. Nabanggit ko bang sobrang ikli manamit nitong si Ate Cass? Tinanggal ko na rin ang aking sunglasses dahil nasa loob na kami.
"And don't wear that kind of clothes if you are going to do fieldwork. I made a new collection exclusively for you. May mga anti-UV yun."
Maang na napatingin ako kay Ate Cass na tinaasan lang ako ng isang kilay. Nakakalimutan niya sigurong hindi ako si Ate. Mas madaldal pa siya sa nanay ko.
Ano namang masama sa suot ko? Naka suit na nga ako with high-heeled shoes. Yung tyan ko lang naman ang kita dahil cropped top ang design nito. Nag-eexercise naman ako kaya sure akong okay lang ang tyan ko. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero toned ang muscles ko sa parteng iyon. At isa pa, siya kaya ang gumawa nitong suot ko.
"Okay, Ate. Hindi pa naman simula ng fieldwork ko. We'll meet a client pa lang, right?"
Ngumiti naman ito at parang excited na lumapit sa isang table. May babaeng nakaupo dun pero nakatalikod naman. Kibit-balikat na sumunod lang ako dito nang magmadaling lumapit ito sa babae.

BINABASA MO ANG
Last-Minute Changes (2nd)
RomanceTotoo pala na sa isang iglap ay pwedeng bumaliktad ang mundo ng isang tao. Yung dating mahirap ay pwedeng maging mayaman. Yung dating laro ay pwedeng maging totoo. Yung dating ikaw ay pwedeng magbago. Si Tori ay isang dalagang pilit iniiwasan ang mu...