Tori's POV
Mabilis na lumipas ang isang linggo. Napagdesisyunan ni Mama na dalhin sina Lola sa Baguio dahil hindi pa raw nakakapunta ang mga ito sa nasabing lugar. May bahay sa Baguio ang kaibigan ni Mama na katulad nya ay isa ring nurse sa London. Dun kami tumuloy kaya nakatipid kami ng pang renta. Isa yun sa mga properties na listed sa Airbnb pero dahil kaibigan ni Mama, binigyan kami ng malaking discount. Libre pa sana pero tumanggi si Mama dahil negosyo pa rin daw iyon.
Kagaya ng aking nasabi, kinausap ko si Louisse through message. Siya na ang pumili ng lugar kung saan kami mag-uusap. Napag-isip isip ko na mabuti na lang pala at pinalipas ko ang isang linggo. Kahit papaano ay naliwanagan ang aking isipan at napakalma ko na ang aking sarili. Humupa na ang galit ko kahit papaano. Ayokong dumating kami sa pisikalan dahil baka hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag nagawa ko iyon sa kanya. Sigurado na ako sa mga hakbang na gagawin ngayon matapos ang aking pagmumuni muni sa malamig na siyudad ng Baguio.
Isang exclusive na restaurant ang napili niya. Agad naman akong inalalayan papasok nung sumalubong sa akin matapos kong sabihin ang pangalan ni Louisse na siyang nagpareserve ng pwesto. Pumasok ako sa isang silid. VIP room na kasya ang apat na tao. Pagbukas ng pintuan ay napansin ko siya agad na kalmadong nakaupo. May dalawang tasa ng kape ang nasa mesa. Mabuti naman dahil paniguradong wala sa amin ang may ganang kumain mamaya.
Iniwan na kami nung lalaking nagdala sa akin dito kaya naman tumayo na siya para salubungin ako. Iniwasan ko ang gagawin nya sanang paghalik sa aking pisngi. Sa halip ay pinili kong maupo sa upuan na katapat nung inuupuan nya kanina. Palihim siyang bumuntong hininga bago muling bumalik sa kanyang pwesto.
"I don't know where to start but thank you for seeing me today." Umpisa niya.
Humigop muna ako ng kape. Ang pait, parang iyong nararamdaman ko sa mga oras na ito matapos ko siyang makita at muli na namang maalala ang nasaksihan ko sa parking area. Binaba ko na ang tasa at nag-angat ng tingin sa kanya. Blangko ang mga titig na hinagod ko ang kanyang kabuuan. Mukhang maayos naman ang kanyang lagay dahil fresh na fresh pa rin ito. Tumigil ako at sinalubong ang kanyang mga mata. Ilang segundo pa kaming naglaban ng titigan hanggang sa binaling nya ang tingin sa hawak na kape na may desenyong bear. Hindi pa iyon nagagalaw.
Hindi ako nagsalita at hinintay ko lang siya. Siya ang may sasabihin kaya natural lang na ganun ang gawin ko. Napapikit siya bago muling nag-angat ng tingin.
"About what you saw..." Umpisa nito pero parang naumid ang dila at hindi na itinuloy. "I'm really sorry, Tori. You should have not seen that."
Parang hindi gusto ng tainga ko ang narinig pero hindi ako sumagot. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat ng pagkakataon para magpaliwanag nang sa gayun ay masabi kong hindi ako nagkulang. Gusto kong ipamukha sa kanya ang katarantaduhang ginawa nya. Siya na mismo ang maggigisa ng sarili nya sa sariling mantika. Sana pala ay nakinig ako sa unang instinct ko. All along tama ako sa first impression tungkol sa kanya. She's a goddamn player na malabong magseryoso.
"I-I should have told you sooner. I'm sorry." Sinubukan nyang abutin ang kamay ko pero iniwas ko iyon.
Pakiramdam ko kasi ay parang sinisilaban ang galit ko sa tuwing magdidikit ang balat namin. Para akong combustible gas at isa naman siyang lighter. Mas malayo sa isa't isa, mas mabuti. Hindi ko lubos maisip na magagawa akong lokohin ng babaeng may napakaamong mukha. Demonyong nagbabalat-kayong anghel. Pero kasalanan ko naman dahil hindi ko sinunod ang utak ko sa simula pa lang.
Sumandal ako dahilan para mas lumaki ang espasyo sa pagitan namin. Nag-cross arms ako bago siya matamang tinitigan na para bang sinusuri. Akala ko ay nakilala ko na siya kahit papaano sa loob ng maikling panahon na nakasama ko siya. Ngayon niya ipinamukha sa akin na isa pala iyon malaking pagkakamali.
BINABASA MO ANG
Last-Minute Changes (2nd)
Любовные романыTotoo pala na sa isang iglap ay pwedeng bumaliktad ang mundo ng isang tao. Yung dating mahirap ay pwedeng maging mayaman. Yung dating laro ay pwedeng maging totoo. Yung dating ikaw ay pwedeng magbago. Si Tori ay isang dalagang pilit iniiwasan ang mu...