Tori's POV
Gabi na ng Biyernes nang makauwi ako sa Manila. Dapat sana ay tanghali pa lang nakabalik na ako pero may isang kliyente kaming hinintay para mapirmahan ang kontrata. May inasikaso pa raw kasi.
Naging maayos naman ang meeting nina Architect kay Miss Razon pero hindi pa rin ako mapalagay. Hindi ako nakasama kahit virtual meeting man lang dahil conflict sa schedule ko. Kahit gabi na ay dinaanan ko muna ang kontrata sa aking sekretarya. Ako na lang ang personal na magbibigay sa kanya.
Sa condo ako dumiretso. Nagbabakasaling dito siya uuwi. Kung hindi ay better luck next time na lang ako. Minabuti kong sa lobby na lang siya hintayin. Dito naman dumadaan lahat at wala ng iba pang entrance. Ayoko ring maghintay sa labas ng unit niya dahil baka masita ako ng security team dito. High-end condominium building ito kaya mahigpit ang seguridad. Hindi pwedeng pumasok nang walang pahintulot ng owner. Hinanapan nga ako kanina ng ID eh at tinanong kung sino ang hinihintay ko.
"Pre, shawty." Pasipul sipol pa ang binatang lalaki habang sinisiko ang katabi niya.
Ang mga mata ay napako sa aking direksyon sa halip na dun sa kung anumang tinatapos nila. Paano ko nalaman? Nakatingin ako sa may wall to ceiling na mirror ng concierge station para makita ko agad ang papasok sa entrance.
May grupo ng mga college students na nakatambay rin kasama ko. Galing sa dati kong university. Nasa may kanan sila ng mahabang L-shaped na sofa. Yung dalawa busy sa laptop habang yung dalawa naman ay panaka-naka ang pagbibigay ng suggestions. Mukhang may ini-edit silang project. Dalawang lalaki ang nasa gitna nila na halatang nangangarag na.
"Gags, Pare. Two hours na lang tayong meron before magtransform si Sir yan pa inaatupag mo." Saway nung isa na hindi pa rin nag-aangat ng tingin mula sa screen ng laptop niya.
"Pare, invite na lang nating mag bar si Sir. Alak lang katapat niyan instant dos na tayo." Sagot nung isang sumipol kanina.
"Bro, hindi natin madadala sa ganun si Sir. Alam mo namang Mr. Righteous yun eh." Sabat nung isa pang kasama niya matapos mag-suggest dun sa partner niya. "Hmnn. Virgin pa kaya si Sir?"
Bigla silang nagkatinginang dalawa bago humagalpak ng tawa. Yung dalawa naman ay halos magsalubong na ang mga makakapal na kilay sa konsentrasyon. Malalaman mo talaga kung sino sa kanila ang Pancit Canton lang ang ambag sa group project.
"Eh bakit naman kasi may ganyang subject tayo? Architecture tapos paggawa ng Noli Me Tangere short film ang project. Bad trip wala pang chikababe na classmates para ipagawa yang edit." Kakamot kamot sa ulo ito. Yung lalaking parang babae kung magreklamo.
"Gags, Pare. Ikaw kaya pumili nitong Elective Class para sa'tin." Paninisi pa nung isa pero hindi tinatanggal ang mata sa screen ng laptop.
"Oh sino ba sa'tin ang Mariah Clara nang Mariah Clara instead na Maria Clara ha? Dami tuloy nating kailangang i-voice over." Naiinis na rin ito. "Iba naman kasi si Mariah Carey kay Maria Clara. Si Mariah Carey, touch my body. Si Maria Clara, touch me not." Paliwanag nung madaldal na lalaki na wala namang ginagawa. Siya talaga ang pinakamareklamo sa kanilang apat.
"Oo, na. Oo, na. Kaya nga ako na nag-eedit. Tumigil ka na dyan, Father Salvs." Naririnding reklamo nung may pinakamagandang mukha sa kanila na nakatoka rin sa pag-eedit.
Nag-angat ng tingin yung isang kasamahan nila para sana ayusin ang suot niyang salamin na nawala sa ayos. Sandali itong tumingin sa akin bago napatikhim at muling nagyuko. Sa kanilang apat, siya yung hindi pa nagbibitaw kahit isang kataga. The silent one sa barkada.
"Gags, mga bro. Mariah Clara nga." Parang nahihipnotismong bulalas nung katabi niyang nag-eedit nang mapalingon sa aking gawi.
Gusto ko sanang umirap pero wala pala akong sunglasses kaya napapikit na lang ako. I came from a formal dinner kaya ganito ang suot ko. It's just a long black dress na may mataas na slit. Backless pero natatakpan naman ang mga dapat matakpan sa harap. Kahit na matangkad na ako ay kailangan ko pa ring magsuot ng mataas na takong para bagay sa suot ko.
BINABASA MO ANG
Last-Minute Changes (2nd)
Roman d'amourTotoo pala na sa isang iglap ay pwedeng bumaliktad ang mundo ng isang tao. Yung dating mahirap ay pwedeng maging mayaman. Yung dating laro ay pwedeng maging totoo. Yung dating ikaw ay pwedeng magbago. Si Tori ay isang dalagang pilit iniiwasan ang mu...