Tori's POV
"Sir, pwedeng pakibilisan po?"
Untag ko ulit dun sa Grab driver. Hindi ako mapakali sa backseat dahil sa pag-aalala. Pasado ala-una na ng umaga at Sabado na rin. Sa halip na mahimbing na natutulog ay ito ako ngayon, pinipilit gawing reckless driver 'tong si kuya.
Paano ba naman biglang tumawag sa'kin si Steph at base sa kanyang slurry na pananalita ay mukhang lasing na talaga sya. Alam kong may nangyari nung umuwi si Steph sa kanila last Friday dahil halos tulala siya sa klase buong linggo. Hindi rin siya masyadong madaldal katulad ng dati. Ang laki ng pinagbago niya. Yung pagbabagong hindi nakakatuwa. Buong buhay ko sa university ay kilala ko si Steph. Pero ni minsan ay hindi niya pa ako natawagan nang lasing na lasing siya. Sandali ko lang siyang nakausap dahil boses na ng lalaki ang sumagot at binigay ang address ng bar.
"Bakit ba kayo nagmamadali, Ma'am? Eh sa bar lang naman tayo pupunta." Parang naiinis na rin si kuya sa'kin kasi kanina ko pa siya sinasabihang bilisan ang takbo.
"Sir, baka po may mangyaring masama dun sa kaibigan ko sa bar. Babae pa naman po yun at walang kasama. Lampas 15 minutes na po tayo sa daan at hindi na po niya sinasagot ang tawag ko. Pakibilisan na lang Sir kung pwede."
"Naku! Kayo talagang mga kabataan. Akala ninyo sagot sa problema ang pagpapakalasing. Kaya maraming nangyayaring panggagahasa dahil sa mga bar bar na yan. Kaya ikaw, hija. Huwag mong tularan yang kaibigan mo. Sisirain lang ng alkohol at bisyo ang mga buhay ninyo."
Mahabang pangaral ni kuya driver na iiling-iling pa. Wala akong panahon para makipagdiskusyon kaya tumango lang ako. Pero salamat naman sa Diyos dahil pinabilis na niya ang takbo. Mabilis pa sa alas kwatro na bumaba ako sa sasakyan. Card ang gamit ko sa pagbabayad sa Grab para hindi na ako mangapa pa ng cold cash.
Nakita ko ang entrance ng bar at mukhang hindi ito pipitsuging bar na red horse lang ang naka-serve. Buti na lang at naisipan kong magpalit ng damit at hindi nakapantulog lang. Malamig sa umaga kaya naka black leather jacket ako pero white shirt lang sa loob. Buti hindi ko naisipang mag sneakers dahil baka sa entrance pa lang nitong bar ay magkakaproblema na ako. Mukha naman siguro akong tao ngayon pero kahit ganun pa man ay tiningnan pa rin ako mula ulo hanggang paa nung security sa labas bago tinanggal ang harang sa red carpet entrance.
Tumambad sa akin ang dance floor. Slow music ang nakasalang kaya hindi masakit sa tainga. Hinanap ko si Steph pero wala siya dun. Tumingin ako sa taas at may second floor. Shit. May harang sa second floor at pakiramdam ko ay exclusive para sa VIP yun. Red carpet din ang hagdan. Sure akong mahihirapan akong lumusot dito.
"Where's your membership ID, Ma'am?" Tanong nung malaking mama na hinarang pa ang katawan niyang puno ng muscles na halos pumutok na mula sa itim niyang suot.
"Safety protocol lang po dahil ngayon ko lang kayo nakita dito. Pasensya na."
Hingi niya ng paumanhin pero diretso lang siyang nakatitig sa'kin. Nakaka-intimidate at nakakatakot yung tinging ipinupukol niya sa'kin. Halos magkasintangkad lang kame. Isang pulgada lang siguro ang lamang niya sa'kin. Pero kung magpupumilit ako, siguradong isang balibag lang niya ay bubulagta ang durog kong mga buto sa sahig. Sige na, honesty is the best policy na lang tayo.
"Susunduin ko lang po si Ms. Stephanie Alcocer. Mukhang naparami na po kasi ng nainom."
"Ano pong pangalan nila, Ma'am?"
"Kiera Tori Garcia. Kaibigan po ni Ms. Alcocer."
Kinuha ng malaking mama yung wire na nakakabit sa kanyang damit bago nagsalita. May nakasaksak namang communication device sa kanyang tenga. Pinakompirma niya kung totoo ngang kaibigan ako ni Steph.
BINABASA MO ANG
Last-Minute Changes (2nd)
RomanceTotoo pala na sa isang iglap ay pwedeng bumaliktad ang mundo ng isang tao. Yung dating mahirap ay pwedeng maging mayaman. Yung dating laro ay pwedeng maging totoo. Yung dating ikaw ay pwedeng magbago. Si Tori ay isang dalagang pilit iniiwasan ang mu...