Tori's POV
Kababalik lang namin galing Disneyland dahil ang pamangkin ko ay biglang namiss ang kaibigan niyang si Mickey Mouse. Pwede naman sana na sa Hong Kong lang kami pumunta para hindi na kami magtagal pero hindi, sa California talaga ang gusto.
Wala namang pinagkaiba yun. Pareho pa ring hindi niya matatandaan ang memories niya kasama ang kanyang mga imaginary friends.
Isang linggo rin akong nawala sa trabaho dahil gusto ng pamangkin ko na sumama ako sa kanya. Ginawa lang akong muchacha dun para makapag solo ang mga magulang niya. Mga iresponsableng nanay. Biro lang.
Hay. Buti na lang at masaya si Callie at hindi na siya nagtatampo sa hindi ko pagpansin sa kaniya noong isang araw na dumating si Mark sa bahay. Oo, kahit hindi yun mahilig sa gulay ay mahilig yun magtanim. Magtanim ng sama ng loob.
Dahil na-miss ko si Chef at pinapapunta niya rin ako sa condo niya ay nandito na ako sa pintuan. Natulog ako kaninang umaga kaya hapon na ako nakaalis sa mansion.
"Hi, Chef," bungad ko nang bumukas ang pintuan. "Flowers and pasalubong for you."
Inabot ko sa kanya ang dala kong bouquet ng sunflowers na agad naman niyang kinuha. Ako na ang magbubuhat ng malaking paper bag.
"Thank you," walang siglang tugon ni Louisse. "Come in." Isang alangang ngiti lang ang ibinalik niya sa akin.
Hindi pa siya makatingin sa akin nang diretso. Anong problema? Nagtatampo ba siya sa akin? Pero alam niya kung nasaan ako nitong nakaraang linggo dahil nagpaalam naman ako sa kanya.
"May problema ba?" Hindi ko na maiwasang mag-alala dahil parang pagod na pagod siya.
"You have a visitor," anunsyo niya na hindi sinasagot ang tanong ko.
"Bahay mo ito at ako ang bisita dito. Paanong ako ang may bisita?" Naguguluhang tanong ko na nakasunod sa kanya matapos magpalit ng sapin sa paa.
Matapos kunin ang dala kong paper bag at ilapag sa counter ay sinenyasan niya akong sumunod sa kanya. Dinala niya ako sa living area kung saan nakaupo ang babaeng hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon dito. Naka-crossed legs siya habang umiinom ng alak. Vodka. Hindi pa lumulubog ang araw pero nagpapakalasing na siya.
Naglakad ako papalapit sa kinaroroonan niya. Alam kong nakita na niya ako pero hindi niya ako pinansin. Tinanggal ko ang alak mula sa mesa at umupo dun. Humarap ako sa kanya na prente lang na nakaupo sa sofa habang hawak ang baso ng alak.
"Where have you been, Tori?" Malamig na tanong niya.
She's mad.
"Good to see you, too. Long time no see, my dear bestfriend," nakangiting tugon ko.
Nabura ang aking ngiti nang titigan niya ako sa mata nang walang expression ang mukha. Blangko.
She's very mad.
"Sa Disneyland," pag-amin ko.
Napapikit siya bago inisang lagok ang laman ng baso. Napangiwi ako. Parang tubig lang sa kanya. Nang subukan niyang abutin ang lalagyan ng alak sa aking likod ay mabilis ko itong inilayo sa kanya.
Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako natinag. Sa huli ay sumuko rin siya. Walang anu-ano ay ibinato niya ang hawak na baso sa malapit na dingding. Dahil sa tahimik ang paligid ay umalingawngaw ang ingay.
She's furious.
Lumingon ako kay Louisse para tingnan kung ayos lang siya. Nakahinga ako nang maluwag nang makita siyang nakaupo lang sa sofa. Nakapikit ang kanyang mga mata. Huminga muna siya nang malalim bago muling nagdilat. Nagbaba siya ng tingin nang mapansing nakatitig ako sa kanya. Itinuon niya ang kanyang atensyon sa mga kamay na nasa lap.
![](https://img.wattpad.com/cover/231788146-288-k746988.jpg)
BINABASA MO ANG
Last-Minute Changes (2nd)
RomanceTotoo pala na sa isang iglap ay pwedeng bumaliktad ang mundo ng isang tao. Yung dating mahirap ay pwedeng maging mayaman. Yung dating laro ay pwedeng maging totoo. Yung dating ikaw ay pwedeng magbago. Si Tori ay isang dalagang pilit iniiwasan ang mu...