Chapter 31

4.3K 147 33
                                    

Trigger warning: violence and sexual assault. 

x-x-x

Tori's POV

Sabi ni Louisse ay pwede na raw kausapin ang Dad niya dahil mabuti na raw ang lagay nito. Sinundo ko sila ni Steph para sabay na kaming pumunta sa kanilang mansion.

Tahimik naming hinihintay ang pagbaba ng elevator papunta sa basement. Kakalabas pa lamang namin ng elevator nang salubungin kami ng limang lalaking nakasuot ng puro itim. Itim na damit. Itim na sapatos. Itim na face mask. Itim na cap. Saan ang lamay?

Sabay kaming nagkatinginan ni Steph. Nagtatanong ang mga mata.

"Bodyguards mo?"

"Your bodyguards?"

Sabay rin naming tanong sa isa't isa.

Nang mapagtanto ay agad kaming naging alerto. Hinila namin si Louisse papunta sa likod mula sa kanyang pwesto sa aming gitna kanina.

Naging alerto na rin ang mga lalaki nang tumigil sa aming harapan. May sinisenyas ang isa sa kanila.

"Bawal daw saktan sabi ni Boss," anunsyo nung isa na sigurong lider nila.

Sinipat ko ang mga makakalaban namin. Mas matangkad ako kaysa sa kanila. Hindi naman ganun kalakihan ang mga katawan. Mukhang galing libing na napag-utusan lang sunduin ang pari.

"Sino sa kanila, pare?" Tanong ng isa na napakamot pa sa batok.

Sinuri kami nung lider nila ata. "Yung maganda."

Mas lalo silang nagkatinginang apat, litong-lito.

"Labo mo naman, pare. Lahat naman yan maganda," himutok nung isa.

"Idiots," narinig kong bulong ni Steph. "I can handle them, Tori. Keep an eye on Louisse."

Tumango naman ako. Sumulyap ako kay Louisse na may pag-aalala nang nababanaag sa mukha.

"Can you contact your bodyguards, Louisse?" Mahinang tanong ko. Tumango siya saka kumuha ng phone sa kanyang bag.

"Boss, tumatawag na ng backup!" Nagpapanic na bulalas nung isa sa mga lalaki. Itinuro niya si Louisse kaya muli kaming naging alerto.

"Dakpin silang tatlo!" Utos ng kanilang leader.

Sumimangot si Steph sa narinig bago mag roll ng eyes. Anong siglo ba kasi pinanganak ang lalaking iyon?

Sabay-sabay namang sumugod ang apat. Wala kaming choice kung hindi ang hatiin sila. Two versus one.

"Bumalik ka sa elevator, Louisse!" Utos ko sa kanya bago ako magsimulang makipagpalitan ng suntukan sa dalawang lalaking pinipilit akong hawakan sa braso.

Mga kalahating tanga. Wala man lang dala kahit anong armas. Hindi naman ako nagrereklamo pero halatang nag-cram lang din sila sa pagpaplano nitong pangingidnap nila.

May advantage kami dahil puro sangga lang ang ginagawa nila. Sinamantala ko iyon at pinatamaan sila sa mga vital parts kaya mabilis silang humandusay sa harapan ko. Mga amateur!

"This is bullshit!" Dismayadong sigaw ni Steph kaya napatingin ako sa kanya.

Nakahiga na ang dalawang lalaki sa harapan niya. Wala ng malay. Tinanggalan niya rin ang mga ito ng face mask. Muli niyang sinipa ang isang tulog na lalaki sa mukha kaya napangiwi ako. Sadista. 

Pero wala dun ang kanyang atensyon kung hindi kay Louisse. Hawak-hawak siya ng lider ng mga hunghang. May dala itong matalas na patalim at nakatutok sa leeg ni Louisse.

Last-Minute Changes (2nd)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon