Chapter 27

5K 161 32
                                    

Tori's POV

"Magandang umaga, Chef," nakangiting bungad ko nang buksan niya ang pintuan ng kanyang condo.

Nakapantulog pa siya at halatang kagigising lang dahil wala pang suklay ang kanyang buhok. Kahit ganun pa man ay hindi pa rin iyon naging kabawasan sa kanyang kagandahan. Her bare face in the morning is still a sight to behold.

"Morning," humihikab na bati niya.  Her morning voice is sexy. "You're too early." 

Ngumiti lang ako sa kanya. May pinagpuyatan ata si Chef kagabi. Pasado alas otso na kasi ng umaga kung hindi pa niya napapansin. Ang usapan namin ay alas nuwebe ng umaga ay dapat andito na ako.

"Marikit na bulaklak para sa magandang binibini." Inabot ko sa kanya ang dalang bouquet ng sunflowers.

Parang wala pa siya sa tamang wisyo na nakatitig lang sa dala kong bulaklak na nakalahad lang sa kanya.

"Pwedeng pumasok, Chef?" Tanong ko nang abutin na niya ang bulaklak at nakangiting nakatingin dun.

Nakalimutan atang nasa labas pa rin ako. Ayos lang naman pero hindi ako komportable na ganyan ang suot niya tapos nakabukas ang pintuan. 

Nakasuot lang siya ng silk night gown na hanggang kalahating hita lang ang haba. Hindi lang ang suot niya ang problema pati na rin kung ano ang hindi niya suot. Wala siyang brassiere. Baka may ibang makakita. Swerte naman nila.

"Thank you," nakangiting sagot niya bago tumabi para makadaan ako. 

Niluwagan niya ang pintuan. Sumunod ako nang maglakad na siya papasok. Binigyan niya ako ng indoor slippers na ipinalit ko sa suot na sapatos.

"Just give me a few minutes to shower." Naglakad na siya papunta sa direksyon ng kanyang kwarto. "Feel at home but stay away from my kitchen," mahigpit na bilin niya.

Wala sa sariling napatango ako. That's new. Dati-rati naman ay wala siyang pakialam kahit lumapit ako sa kusina niya. 

"I'll prepare our breakfast after."

Tuluyan na siyang pumasok sa kwarto at iniwan ako sa napakalawak na living room. Naglibot-libot na lang ako para lang mamangha sa interior nitong condo niya. Sino kaya ang gumawa nito? Halata kasing pinag-isipan nang maayos.

Pumunta ako sa may kitchen niya kahit na sinabing bawal. Ah kaya pala. May mga bote bote kasing isasalansan pa lamang. May mga printed labels din na hindi pa niya naididikit sa mga glass jars. Hindi ko hinawakan dahil baka may mawala pa sa ayos at magsanhi pa ako ng pagkalito.

May isa pang pintuan akong nakita na may nakalagay lang na Storage as label. Pinihit ko dahil hindi naman nakasarado. 

Holy mother of hoarders! Ang daming glass jars na may iba't ibang hugis at laki. Lumapit ako sa racks. Mga sangkap sa pagluluto ang laman. Ang ayos ng pagkakahilera nung mga iyon. Mas lumapit pa ako at nakitang may mga nakalagay na information sa label katulad ng pinanggalingang bansa at expiry date. 

Mahihiya ang eleven herbs and spices ng KFC dito. Hindi ako magtataka kung dumadayo pa siya sa ibang bansa para lang kumuha ng mga 'to.

May isa pang pintuan ang gawa sa bakal. Curiosity kills the cat ika nga nila pero that door really made me curious. Wala naman iyong special lock kaya nabuksan ko rin nang walang kahirap hirap.

Holy cow! Bakit may bangkay ng mga hayop dito?! Just kidding. It's a freakin' walk-in chiller slash refrigerator! May mga gulay, prutas, chilled goods at iba pa. Katulad nung kanina ay may nakalagay ring information tungkol dito. Anak ng. Pati harvest date ay meron dito.

Lumabas na ako dahil baka mamaya ay ma-contaminate ko pa ang mga pagkain na nakastore.

At least ngayon ay alam ko na kung bakit napaka-OA ng laki ng condo niya na'to. Pumunta na ako sa sala. Umupo ako sa sofa pero wala naman akong maisip na gagawin hanggang sa may ideya akong naisip.

Last-Minute Changes (2nd)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon