CHAPTER 42

44 2 1
                                    

CHAPTER 42



ALEX RIVAS


Pangalawang araw na namin sa Baler. Nakahilata na naman ako sa kama ko at nakatitig sa kisame. Ang sarap ng ganitong buhay.


"Alex, wala ka bang balak bumangon?" Tanong sa'kin ni Ate Karen.


"Nakakatamad kasi eh. Tsaka ang sarap sa kama na 'to." Sagot ko saka nagpagulong-gulong sa kama ko. Natawa naman siya.


"Bumangon ka na dyan kasi aalis daw kayo ni Harris." Singit ni Ate Katie.


Kumunot ang noo ko. "Anong aalis? Kaming dalawa lang?"


"Oo. Ipinaalam ka na ni Harris kagabi pa." Umiirap na sabi ni Ate Katie pero may pinipigilan siyang ngiti.


"Bakit naman ako sasama sa kanya? Baka kung saan pa 'ko itapon no'n."


Narinig ko ang tawa ni Ate Diana. "Mapang-asar lang naman si Harris pero mabait naman siya. Tsaka feeling ko crush ka niya."


Nagtawanan silang mga babae sa loob ng kwarto. Sus, crush? Binu-bully lang talaga 'ko ng Harris na 'yon.


"Magbihis ka na, sige na. Mukhang naghanda si Harris ngayon eh." Makahulugang sabi ni Ate Karen. Bakit ba pakiramdam ko pinagtutulungan nila 'ko? Wala na 'kong nagawa kundi magbihis.






"Teka, teka, ano 'yan?!" Tila nandidiring puna sa akin ni Ate Katie nang lumabas ako galing sa banyo.


"Damit yata." Sarkastikong sagot ko.


"Jusko! Batang 'to!" Umakto siyang parang mahihimatay habang tumatawa naman sila Ate Diana. Napakaarte talaga nito. "'Wag mong sabihing 'yan ang isusuot mo?!"


Tiningnan ko ang sarili ko. "Ano bang mali sa suot ko?"


"Anong mali?! Tinatanong mo 'ko kung anong mali?! Jusko talaga! Nakapantalon ka na maong, nakasapatos at naka t-shirt tapos tatanungin mo 'ko kung anong mali sa suot mo?!" Naghi-hysterical na sabi niya. "At least tell me you're wearing a bikini underneath." Sabi niya sa akin.


"Hindi 'no!" Defensive na sabi ko. Bikini? Ako? Haha, gusto ko yatang matawa.


"My gosh, Alex!" Turan niya. Kinakalma naman siya nila Ate Diana habang tumatawa at umiiling. Ano bang problema nila? Eh ito nga ang gusto kong suotin.


Nagulat ako nang buksan ni Ate Katie ang bag ko at ibuhos ang lahat ng laman no'n sa kama ko. What the?!

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon