CHAPTER 33

82 2 0
                                    

CHAPTER 33

ALEX RIVAS

Bumuntong-hininga ako.

"Ten!" Biglang sabi ni Irra kaya sabay kaming napalingon ni Nikki sa kanya.

"Anong 'ten'?" Nagtatakang tanong ni Nikki.

"Pangsampung buntong-hininga na ni Alex 'yan eh. Nalulunod na nga ako sa hininga niya. Ano bang problema mo?" Sagot ni Irra. Hindi ko alam kung nagrereklamo siya o nag-aalala sa akin.

"Problema? Wala akong problema. Paranoid ka na naman." Umiiwas na sabi ko.

Alas-siyete ng umaga at nandito kami sa garden ng school. Nangongopya ako ng notes habang kumakain naman silang dalawa. Malamig pa ang simoy ng hangin at iilan lang kami rito sa garden.

"Siguro namomroblema ka kasi Valentines' Day na sa susunod na araw at wala kang date, 'no?" Nanunuyang sabi ni Irra. Kung makapang-asar naman 'to, akala mo may date siya.

"Bakit, ikaw ba may date?" Nanghahamong sabi ko. Ngiting tagumpay naman ang ibinigay niya sa akin kaya nagkatinginan kami ni Nikki.

"Dale asked me out." Nahihiya at kinikilig na sabi niya. Ano?

"Niyaya ka ni Dale?!" Gulat na sabi ni Nikki. Tango lang ang tanging isinagot ni Irra sa amin. Aba, malandi.

"Hoy, magkwento ka! Maharot! Maharot!" Pinagitnaan namin siya ni Nikki at pinilit na magkwento.

"Saka na ako magkkwento kapag tapos na! Baka mamaya maudlot pa!" Natatawang sabi niya. Ang dami talagang alam nito. Hinayaan na lang namin siya ni Nikki. Ikkwento niya rin naman 'yan.

"So, ano nga? Are you worried kasi wala kang date? Gusto mo ihanap kita?" Tanong ni Nikki. Hindi pa rin pala ako tapos. Tsk. Akala ko lusot na pero in all fairness, tempting ang offer.

"Jusko naman! Hindi naman issue sa akin kung may date ako sa Valentines' o wala. Ano naman kung wala akong date?! Ano naman kung single ako?! Ikamamatay ko ba 'yon?! Mamamatay ba 'ko kung mag-isa ako sa Valentines'?!" Sabi ko saka umirap sa kanila. Ipaglalaban ko talaga 'to.

"Ang bitter naman. Napaghahalataan tuloy." Narinig kong bulong ni Irra kay Nikki at sabay pa silang tumawa. Tiningnan ko sila nang masama.

"Sige lang, pagtawanan niyo lang ako. 'Pag sinagot ko si Chris Evans, who you kayo sa akin."Sabi ko saka muling umirap.

"Baka nanliligaw!" Sabi ni Nikki at muli silang humagalpak ng tawa ni Irra. Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to?

Hinayaan ko na lang silang mabaliw kakatawa. Nagpatuloy ako sa pagkopya ng notes. Bakit kasi napakabilis magpakopya ng notes ng mga prof? Iyong tipong kakapakita palang nila ng visual aids na saksakan ng haba tapos aalisin na agad nila. Bastusan? Ano bang akala nila sa mga kamay namin?

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon