CHAPTER 23

104 1 0
                                    

CHAPTER 23

ALEX RIVAS

"Aray ko naman!" Reklamo ko at tinapunan ng masamang tingin ang abnormal na si Irra. Batukan ba naman daw ako?

"Ano ba kasing ginagawa mo? Mukha kang sira." Aniya.

"Nagre-review ako para sa quiz namin sa Spanish class. Ano ba sa tingin mo?" Tanong ko sa kanya habang naka-poker face.

"Mayroon bang nagre-review na bawat isang minuto ay tumitingin sa paligid niya?" Sabat naman ni Nikki. Hindi ko na lang sila pinansin.

"Ay kamusta pala 'yong requirement niyo ni Tri? Iyong author chorva ba 'yon?" Pagtatanong ni Irra habang kumakain ng Piatos.

"Tapos na 'yon. Last, last week pa. Naipasa na nga namin 'yon eh." Sagot ko naman nang hindi siya tinitingnan. Hindi ko nga akalain na matatapos namin iyon sa loob lang ng isang linggo. Ayoko mang aminin pero magaling talaga si Tri.

"Nagre-review ako. 'Wag niyo nga akong guluhin." Sabi ko sabay muling tuon ng atensyon ko sa binabasa kong libro. Nakakaloko naman 'tong language nila. Como estas chorvaloo!

Nasa canteen kaming tatlo dahil break namin. Hindi na kami umakyat sa rooftop dahil na rin sa katamaran ni Irra.

"Uy Alex, si Tri oh!" Sabi ni Nikki kaya napatingin naman ako sa entrance ng canteen. Kakapasok niya lang at ang gwapo niya talaga. Ano bang pinagsasasabi ko?! Sakto namang pagkatingin ko sa kanya, napatingin din siya sa akin. Nakipagtitigan ako sa kanya pero una siyang nag-alis ng tingin dahil kinausap siya ng classmate niya yata na parang night gown lang ang suot.

"A-alam niyo, tara na!" Yaya ko kila Nikki habang nagmamadaling iligpit ang mga gamit ko.

"Ha? Eh ang aga pa ah?" Sabi naman ni Irra.

"Hindi! Kailangan na nating umalis. Male-late tayo, ano ba? Medyo terror pa naman iyong next prof." Pamimilit ko pa rin sa kanila.

"Ang excited mo naman!" Sabay na reklamo nila Irra at Nikki pero nag-ayos na rin naman sila ng mga gamit nila. Papilit 'tong dalawang 'to eh.

"Psst! Irra, may tubig ka ba diyan?" Bulong ko kay Irra nang makaramdam ako ng uhaw.

"Ha? Wala eh. Tanungin mo si Nikki." Sagot naman niya kaya tinanong ko din si Nikki.

That StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon